Kabanata 4

78 14 2
                                    

Kabanata 4. The mistake

Gelhyka

Umalis na si Cindy at ako naiwang parang wala sa sarili. Paulit-ulit na nag-sink in sa utak ko ang sinabi nito na siya si Cindy at fiancee ni Geybril.

Ang lakas naman ng loob niya para sabihin sa akin iyon. Ang kapal ng mukha. Super proud pa siya. Hindi siya ang tunay na kasintahan ni Geyb. Ako lang naman ang totoong girlfriend ni Geyb. Kahit na mabait ako ay hindi ko tinuro sa kanya ang room ng boyfriend ko.

"Cream!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.  Nakita ko si Geybril na tumatakbo papalapit sa akin. May kung anong emosyong namumuo sa puso ko. Galit ako sa kanya.

I have this feeling na nagkikita na  sila ni Cindy. So, wala siyang balak sabihin sa akin iyon? And, bakit pumunta ang babaeng iyon dito?

"Halika na at ihahatid na kita sa inyo." nakangiting sabi niya at aakmang hahawakan niya ako sa kamay ngunit umiwas ako sa kanya.

"Don't even touch me. " asik ko sa kanya at mabilis akong lumakad papalayo mula sa kanya.

"Gelhyka, wait."

Pilit kong inignora ang sarili at pinipigilan ang mga luhang namumuo na naman sa mga mata ko. Binilisan ko ang kilos ko but still naabutan niya ako.

"Gel, mag-usap muna tayo." pakli niya kaya dali-dali niya akong hinila papasok sa loob ng kotse niya.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. His eyes is full of questions.

"Is that so? Kailan mo lang na-meet ang fiancee mo?" I ask him with a senserity voice.

He straightly looking at me. Halatang nagulat siya sa tanong ko at napalunok, "Kagabi."

Sinampal ko siya. And he was so shocked. Umuusok ang puso ko sa galit. How could he hide all of this to me? Bakit hindi niya sinabi sa akin kaagad? Ginawa niya akong tanga? Nagawa pa niya akong pangitiin kahapon tapos ngayon ay masasaktan lang pala ako?

"Gel, huminahon ka naman. I'm sorry kung hindi ko kaagad sinabi sayo dahil ayokong  masaktan ka. At isa pa ay ayokong nakikita kang umiiyak." sincere siya sa sinasabi niya pero naiinis ako.

"Pero may karapatan akong malaman iyon, Geyb. I am your real girlfriend unless may  nagbago na sa  isip mo at may balak ka ng  pakasalan si Cindy Erielle." matigas kong sabi sa kanya.

Namangha siya sa tinuran ko at diretsong napatingin sa akin.

"What do you mean?"

"Nakilala ko siya kanina lang. And she was so proud. Ginawa mo pa akong tanga. Di bale na mas bagay na bagay naman kayo ng babaeng iyon. She is very beautiful that's why your mother like her."

"Gelhyka, ano ba! Wala akong pakialam kay mama lalong lalo na sa babaeng iyon. At isa pa ay  pagtatalunan na naman ba natin ito? Wala akong pakialam kay Cindy." matigas na sabi niya na hinawakan ako.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong umiiyak. Ayoko. Ayoko sa ganitong set-up. Ayokong nasasaktan na ng ganito. Niyakap niya ako nang mahigpit ngunit tinulak ko siya dahilan upang magulat siya.

"Bababa na ako at huwag mo na akong ihatid."

"Cream--"

Bumaba  nga talaga ako at kumaripas na ng takbo. Iniwanan ko siya. Ang bigat lang kasi ng dibdib ko, eh. Namalayan ko na lang na nasa loob na pala ako ng park. My feet brings me here.

Napaupo ako sa may damuhan at umiyak nang umiyak. Hindi ko talaga magawang pakalmahin ang sarili ko. Wala naman masyadong tao kaya free kong isisigaw lahat. Yes, I've got this feeling. Nagseselos ako.

Dahil May Isang Ikaw (Revise-Ongoing) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora