Kabanata 8

61 8 1
                                    

Kabanata 8. Helena, the mother

Fema Maris

This is my first time point of view. I'm the youngest sister of Gelhyka. I'm kind and friendly. I'm just currently writing my assignments while taking a glance on my phone.

Si Ate Gel kaya nasaan na? I'm waiting for her another texts. Pauwi na kaya sila? I'm so bothered. Alam na alam ko naman ang ugali ng mother ko. Dios ko po, sagad sa buto ang pagiging strict. It's a huge pleasure na hindi kami nagmana sa kanya.

"Nasaan na ang ate mo, Fema?"

Si mama.

Nagulat na lang ako sa biglang pagsulpot niya sa harap ko. Napaangat ang ulo ko at maang na nakatitig dito. No way! Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung nasaan si ate at kung bakit nag-extend sila ng isang araw. Lagot ako kapag sasabihin kong may ibang business silang inaatupag ni Kuya Geyb.

"Hindi ko po alam. Hindi mo ba siya tinawagan, ma?"

"Ang sabi ay dalawang araw lang. Bakit na-extend? Malilintikan sa akin ang Ate Gelhyka mo." sabi nito na nakasimangot.

Ang sungit talaga ni mama. Madalas tumatakas  si ate sa kanya dahil sa ugali niya. Infairness ha, I can't blame her to act that way because she's a mother pero hello, overacting na siya.

"Ba't ang tahimik mo riyan? Siguro may alam ka at wala ka lang balak na sabihin  sa akin." 

May alam nga talaga ako, ma. But, hindi ko sasabihin sa kanya  kung nasaan si ate. Basta ang alam namin ni Ate Phoebe ay magkasama sila ni Kuya Geyb. That's it!Nag-crossed arms na lang ako.

"Helena!"

Kapwa kami nagkatinginan ni mama nang marinig ang boses na iyon sa labas ng bahay namin. Agad akong tumayo at pumunta sa  bintana upang tingnan kung sino man iyon.

I bite my lips. Ang mama ni Kuya Geyb, si Tita Clara. Binalingan ko si mama. Ano kaya ang ginagawa ni tita rito? Kahit na nakasimangot ang mukha nito ay bakas pa rin ang angking kagandahan at super natural lang kung kumilos.

"Sino ang dumating, Fema?"

"Si T-tita Clara po."

"A-ano?" bulalas ni mama at nagmamadali siyang lumabas. Sinundan ko kaagad. World War 4 na this.

"Anong ginagawa mo rito, Clara?" mataray na tanong ng mama ko.

Hanggang ngayon ay aso at pusa pa rin silang dalawa kapag nagkikita. Hindi ko alam hanggang kailan sila mapapagod sa pagbabangayan.

"Ilabas mo si Geybril dahil alam kong magkasama sila ng anak mo." mataray na sabi ni Tita Clara.

"Tumigil ka! Hindi pa umuuwi ang anak ko. Dahil isinama siya ng walang kwenta mong anak." matapang na asik ni mama at lalong naningkit sa galit si tita.

"You are stupid, Helena. At bakit naman ako maniniwala sayo, aber?  Huwag mong itatago si Geyb! Ikaw pa na saksakan sa pagiging sinunggaling."

"Why should I? Hindi ko  gusto ang anak mo para  sa anak ko. Kung hindi ko lang nakitaan ng kabaitan ang anak mong si Geyb ay hindi ko talaga  hahayaang  ihatid-sundo niya ang anak ko rito sa bahay. Mabuti na lang at hindi nagmana si Geybril sa ugali mo, ano?" pang-aasar ni mama.

Mas lalong tumingkad ang kilay ni tita sa pagitan ng mga bwelta nila. Oh, may kabaitan ka rin naman pala, mama. Masarap sa pandinig iyon, ah. Ang akala ko ay habang  buhay niyang pag-aayawan si Kuya Geyb.

"Ikaw ang masama ang ugali! Pagkatapos mong agawin sa akin ang lalaking minahal ko noon ay sobra pa sa kapal  ng libro ang pagmumukha mo!"

Nag-iba kaagad ang ekspresyon sa mukha ni mama. Alam namin ni Ate Gel kung ano ang totoo kaya napakasarap talagang sampalin ng patiwarik itong mama ni Kuya Geyb. I need to stop them. Ayokong makita ang mommy ko na makipagsabunutan kay tita. Pumagitna na ako sa kanilang dalawa.

Dahil May Isang Ikaw (Revise-Ongoing) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum