Kabanata 9

53 8 0
                                    

Kabanata 9.  Choices and she's pregnant.

Geybril

Time flies so fast. Hindi na si Gelhyka ang kasa-kasama ko tuwing pumupunta ng paaralan. I have no choice for now.  Kailangan kong pakisamahan sila mama habang naghahanap pa ako ng timing.

Pero hindi ko pa rin hahayaang maging no choice na lang ako nito. Hindi ko palalagpasin ang nangyari sa amin ni Gelhyka sa gabing iyon. She's mine and that was our first time together. Masaya ako nang mangyari iyon. I owned her and I want to be with her.

Mula noong nakita ko ang mga papeles na nagpapatunay na babagsak nga talaga ang negosyo namin kung hindi ko pakakasalan si Cindy, labis akong nababahala at sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.

Ang pinaghirapan ng namayapa kong ama ay hindi pinahalagahan ng empakta kong ina. Hindi ko alam kong paano nangyari iyon. Hindi ko alam kung paano niya pinamamahalaan ang negosyo ni papa. Isa pa si Kuya Genell, hindi man lang binanggit ang tungkol dito.

Mababawi nga namin ang mga ari-arian namin pero kapalit naman nito ang pagkawala ni Cream Gelhyka sa buhay ko.

Maybe, may mga changes na sa pagitan naming dalawa. Everytime na magkasalubong kami sa school ay iniiwasan niya ako. Alam kong naiintindihan niya ako pero mas alam kong mahal niya ako. Babawi ako pagkatapos nito.

Pangako iyan, cream.

Muntik na silang magkasabunutan ni Cindy dahil nakapasok si Gel sa audition. That said contest will start next week. And I should be there.

Kasalukuyan kaming nasa terrace ngayon at kausap ko siya. Iisang bahay lang kami pero hindi ako pumayag na sa kwarto ko siya matulog. Wala syang nagawa kundi ang lumipat sa kabilang kwarto

"Break her." she demanded me.

"Ayoko."

"First priority ko ay ang  mawala sa landas mo si Gelhyka. Once na makikita kitang kasama mo siya ay alam mo na kung ano ang kaya kong gawin." pagtataray niya.

"Wala ka pa ring karapatan kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Magkikita o magkakasama man kami, it's none of your business." sabi ko at iniwanan ko na siya.

--

Fema Maris

Kakatapos pa lang naming kumain nang  biglang napapikit ng mga mata si Ate Gel. What's wrong with her? Binantayan ko talaga siya nang bigla na lang siyang nawalan ng malay. Alisto akong nilapitan siya.

"A-ate Gel."

Dali-dali ko na siyang binuhat at pinahiga sa sofa. Wrong timing din naman kasi maagang umalis si mama. Agad akong kumuha ng malinis na tubig at malinis na towel. Pinunasan ko siya hanggang sa siya'y magising.

"Mabuti naman at gising ka na, ate."

"Fem, anong nangyari?" tanong niya at bumangon kaagad siya. Matamlay siya ngayon at tila pagod na pagod.

"Are you sure na okay ka na? Nawalan ka kasi ng malay kanina, eh. May sakit ka ba, ate?" she asked.

"Pagod lang siguro ako these following days, Fema. Akin na ang susi ng kotse ko at papasok na tayo sa school." sabi niya na ikinagulat ko.

Napansin ko rin naman na hindi na siya hatid sundo ni Kuya Geyb mula nang dumating ang fiancee nito.

"Kaya mo na bang mag-drive?" nag-aalinlagan ako sa kanya.

Ang totoo niyan, hindi naman kami mayaman. Nagtatrabaho lang si mama sa banko noon bilang supervisor at dahil masinop kaya binigyan niya ng kotse si Ate Gel. Hindi kasi humihingi ng sustento si mama sa ama namin, bagay na ayaw niyang pag-uusapan. Nagsumikap siya kaya sa awa ng Diyos heto kami ni ate na parehong scholar sa school at pinagpala naman.

Dahil May Isang Ikaw (Revise-Ongoing) Where stories live. Discover now