Kabanata 11

68 9 0
                                    

Kabanata 11. Childhood Friends and the Punch

Gelhyka

Magkasabay kaming kumain tatlo sa umaga, si mama, si Fema at ako. Habang kumakain kami ay hindi naman niya napapansin ang singsing ko kasi hindi ko ito suot. Ayokong malaman ni mama. Not now, mainit pa ang dugo niya kay Geyb.

Pagkatapos ng almusal ay pumasok na ako. Nag-commute na lang kami ni Fema dahil hindi niya ako pinapayagang mag-drive ulit. I'll be turning eighteen this year, mauuna nga lang ng kaunti si Geyb.

Pasimple lang akong naglalakad sa first floor ng school nang masalubong ko si Geyb. May usapan kasi kami na huwag muna magbabatian sa isa't isa.

"Geyb!"

Kapwa kami napalingon sa may-ari ng boses na iyon. Si Cindy! Sabi ko na nga ba at makikita niya kami. Agad akong dumistansya ng kaunti kay Geyb.

"Halika na." mabilis nitong hinatak si Geyb sa harapan ko.

Bago pa siya tuluyang hinatak ni Cindy ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hinayaan ko na lang siya. I dont want to mess up with her.

"Gelhyka."

Nagulat na lang ako sa biglang pagsulpot ni Tita Clara sa harapan ko. Napaatras ako at maang na nakatingin dito. Anong ginagawa ng pakialamerang ito?

"Yes, why are you here?" I asked her.

"STAY AWAY FROM MY SON!" matigas na bulyaw niya sa akin dahilan upang irapan ko siya.

Hindi niya talaga inalis ang tingin sa akin. Kulang na lang lalamunin ako, eh. Napakawalang modo talaga itong mama ni Geyb. Umiling lang ako.

Tinaasan ko siya ng kilay bagay na ikinagulat niya. As far as I know, kilala niya ako as a kind hearted girl kaya siya nagtataka ngayon dahil natuto na ako sa mga pa-suplada moves. Pasalamat siya at hindi ko nasunod ang ugali ng mama ko.

"Kahit hindi mo sabihin sa  akin iyan, I will do it. And please lang po, huwag masyadong mataas ang tingin nyo sa sarili niyo kasi ang balita ko ay palubog na ang negosyo mo, di'ba?" pang-aasar ko sa kanya dahilan upang maningkit sa inis ang reaksyon niya.

"How dare you!  Ang tapang mo na ngayong bastarda ka!"

Bastarda? Aba, kung makatawag nga naman ng bastarda. May ama kaya ako at dalang-dala ko pa nga ang apliyedo nitong Marquez, eh.

"So what kung lumaki akong walang ama? May problema ba ? Inagaw mo nga noon ang papa ko sa piling ng mama ko pinapakialaman ba kita? Ang taas ng respito ko sa inyo, eh kaso lang hindi bagay sa iyo ang respito ko."

"Shut up, Gelhyka! Wala kang alam kaya tumigil ka!" protesta niya.

" Pinipilit mo si Geybril sa babaeng ayaw niya. Well, kagaya mo nga naman. Ipinipilit ang sarili magustuhan lang ng papa ko noon. How dare you. Wala ka bang kahihiyan?" sapol siya sa mukha sa mga pinagsasabi ko.

Umuusok ang ilong niya sa galit. Aakma sana niya akong sampalin pero napaatras na ako.

"Shut up, Gelhyka. I warn you. Stay away from my son!" matigas na sabi niya sa akin.

"Umalis na po kayo rito habang pinipigilan ko pa ang sarili ko."

"Lasing si Geyb lastnight at nahuli kong magkasama kayo nang dahil sa kagagawan ng panganay kong anak na si Genell." dagdag pa niya.

Oh, talaga? So, anong problema? Wala naman kaming masamang ginawa sa safe house.

"Dapat nga matuwa ka dahil inalagaan ko ang anak mo. And by the way, whatever Mrs.Clara Santibañez!" tinaasan ko siya ng kilay bago ko siya tuluyang iwan.

Dahil May Isang Ikaw (Revise-Ongoing) Where stories live. Discover now