Kabanata 12

67 10 0
                                    


Kabanata 12. Kidnap

Karl

Sinusundan ko si Gelhyka dahil nakikita kong namilipit siya sa sakit ng tiyan niya. I'm sorry, Gel kung hindi kita naipagtanggol.

"Gelhyka!"

Napalingon siya sa akin at bigla na lang siyang nawalan ng malay. Tensyonado akong lumapit sa kanya at kinarga ko kaagad siya papasok sa kotse ko.

Ano kayang nangyari sa kanya at bigla na lang hinimatay. Kasalanan mo talaga ito, Cindy. Babalikan ko talaga iyon. Humanda siya.

Ilang sandali pa ay dumating na kami sa hospital. Kaagad siyang inaasikaso ng mga doktor at nasa labas lang ako ng ward niya. Maya't maya ay lumabas na ang doktor na tumingin sa kanya at ang sabi okay na ang pasyente at pwede ko ng kausapin.

"Karl, anong ginagawa ko rito?" tanong niya nang magdilat ang kanyang mga mata. Nagulat siya na nandito kami sa hospital.

Hindi kaagad ako nakasagot. Nanatili akong tulala at balisa para sa kalagayan niya. Hindi ko nakalimutan ang sinabi ng doktor kanina na buntis siya at kailangang palaging mag-iingat.

"Sabi ng doctor, you should take a rest para sa..."

"Para saan?"

"Para sa baby mo."

Natigilan siya at hindi makatingin ng diretso sa akin. Nagulat man ako pero pilit kong intindihin siya. She is running eighteen years old. Wala pa siyang debut pero heto, nabuntis. Until now ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lagay niya.

I know na si Geyb ang ama pero ikakasal na iyon sa iba. Paano ko nalaman? Naikwento sa akin ng Mama Helena niya. Hindi pa kami nag-usap nang matino ni Geyb pagkatapos kong suntukin iyon.

"When did you know about this?" she asked me na nakatingin na sa akin.

"Sinabi ng doktor na nag-asikaso sayo kanina. Okay lang naman ang lagay ng baby at sana next time ay mag-ingat ka na. Ano ba kasing nangyari, ha? Sinundan kita kanina." I said.

Hindi ako halos makatingin sa kanya dahil naawa ako sa sitwasyon niya. Mahal ko si Gelhyka bilang kaibigan. Kapatid na ang turing ko sa kanya. Hindi naman ito ang gusto ko para sa kanya. Seeing her at a young age na buntis? Napakuyom ako ng kamao.

"Please don't tell anyone about this even Gebyril."

"May magagawa ba ako para tulungan ka, Gel? Hindi naman pwedeng palalakihin mo ang batang iyan na walang tatay." pangangatwiran ko sa kanya.

"Kaya ko. At okay lang ako. Gumaan na ang pakiramdam ko, Karl. Si Cindy, nilagyan niya ng wrapper ng saging ang dinadaanan ko kaya ako nadulas at bumagsak. Mabuti na lang at walang nangyari sa baby ko." at humahagulgol siya ng iyak. Niyakap ko siya at hinihipo ang likod niya.

"Tahan na, Gelhyka. Everything will be alright. Manghihiram sa aso ang mukha ng Cindy na iyon."

"Karl Evan, salamat. Pero pabayaan mo na iyon. Ayokong madamay ka pa sa gulo namin." Oh, ayan ang bait naman kasi kahit sinasaktan na siya.

"Magkaibigan tayo at nandito lang ako palagi sa tabi mo. Siyanga pala, may pupuntahan lang ako saglit at babalikan kita rito. Ihahatid kita pauwi pagbalik ko." sabi ko at pinaghanda ko na muna siya ng pagkain.

Hindi ko sasabihin sa kanya na pupuntahan ko si Cindy. Malilintikan sa akin ang babae na iyon.

Tumango lang siya at ipinikit ulit ang mga mata. I was worried on her situation. Ipapaalam ko kaya ang lahat ng ito kay Geyb? Hays, rerespituin ko muna si Gelhyka.

Agad kong pinuntahan si Cindy nang dumating na ako sa school. Nahuli ko silang nag-aaway ni Geyb.

"Kapag may masamang nangyari kay Gelhyka ay malilintikan ka sa akin ng husto, Cindy!" asik ni Geyb na punong puno ng galit ang mga mata.

Dahil May Isang Ikaw (Revise-Ongoing) Onde histórias criam vida. Descubra agora