CHAPTER 15: The E.O.S. Ball

379 41 2
                                    

MAKALIPAS ANG halos kalahating oras ay natanaw niya ang isang magarang kotse na tumigil sa harapan niya habang nakatayo siya sa tapat ng isa sa mga tindahan sa labas ng Prestige Mall. Nang bumaba ang bintana niyon ay nakita niyang si Dave pala iyon.

"Kendra, is that really you?" tulalang tanong nito sa kaniya.

"Oo," sagot niya rito. "Ako nga 'to."

"I'm sorry," paumanhin nito sa kaniya. "'Di lang siguro 'ko sanay sa gan'yang postura mo."

"'Di ba bagay?" nakangiti pero medyo offended niyang tanong dito. "Binili kasi para sa 'kin 'to ni Melody kanina. Naisip kong isuot dito sa mall habang nag-iikot ako para magmukha 'kong maayos."

"No. Don't get me wrong," Dave explained defensively. "What I mean is that you look very beautiful in that dress. It suits you really well."

"Ah... Eh... Gano'n ba?" she said shyly.

"Sakay ka na," aya sa kaniya nito. Pagkatapos ay binuksan nito ang pinto sa passenger's seat para sa kaniya kung saan siya pumasok doon.

"Thank you sa pagsundo sa 'kin," pasalamat niya rito. "Naabala ka pa tuloy."

"Wala 'yon," nakatulalang sabi nito sa kaniya.

Pagkatapos ay pinaandar na nito ang sasakyan. Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe pauwi nang biglang may tinanong ito sa kaniya. "Kendra, may itatanong pala 'ko sa 'yo."

"Ano 'yon?" usisa niya.

"Kaso, nakakahiya, eh," tugon nito.

"Huh? Bakit naman? Ano ba kasi 'yon?" nagtatakang tanong niya rito.

"Ano kasi..." Parang hindi nito alam kung paano sasabihin ang gusto. "Ummm... Pwede ba kitang maging date sa darating na E.O.S. Ball?"

"Date?" 'di makapaniwalang tanong niya. "Ako? Sa E.O.S. Ball?"

"Oo," kumpirma nito. "Ikaw nga. Gusto kitang maging ka-date ko sa Ball. 'Yon lang naman ay kung papayag ka."

"'Di ba dapat E.O.S. artist din ang ka-date mo?" tanong niya rito.

"Tradisyon lang 'yon," sagot nito. "Pero, wala naman talagang gano'ng rule."

Hindi siya kumibo.

"So, ano?" pangungulit nito. "Payag ka ba? Akong bahala sa magiging ayos at isusuot mo."

"Nakakahiya kasi, Dave," disimuladong pagtanggi niya. "Buti sana kung celebrity din ako."

"Sige na nga. 'Di na lang ako pupunta," malungkot nitong wika.

"Ano ka ba, Dave?! Um-attend ka," saway niya rito. "Ang dami namang ibang sikat na babae r'yan. Bakit ba 'ko ang gusto mong isama sa Ball?"

"Because I want you," sagot nito sa kaniya.

Napaisip siya sa sinabi nito. Alam niyang dapat ay kinikilig na siya ngayon dahil sa sinabi ng crush niya sa kaniya. Pero, bakit parang wala yata siyang maramdamang kahit ano?

"At kung ayaw mo lang din sumama'y 'di na lang siguro 'ko pupunta," pangongonsensya nito.

"'Wag ka namang gan'yan, Dave, oh!" she told him.

"Kendra, please?" pagmamakaawa nito.

Bumuntong-hininga muna siya ng malalim at saka sumagot. "S-sige na nga."

"Yes!" pagbubunyi nito. "Thank you, Kendra! Don't worry. 'Di ko hahayaang ma-out of place ka sa Ball. I'll never leave your side."

🌠🌠🌠

His Greatest Fan [Greatly Accomplished!]Where stories live. Discover now