CHAPTER 9: The Plan

435 65 5
                                    

MAGHAHATING-GABI NA pero hindi pa rin makatulog si Kendra. Siguro ay dahil wala pa si Clyde.

Hindi dahil sa nag-aalala siya para rito. Kung hindi dahil hindi lang talaga siya sanay matulog na kulang ang mga tao sa dormitory.

Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto at ang mga kaluskos mula sa sala ay bumangon siya mula sa pagkakahiga. Binuksan niya ng bahagya ang pinto ng kwarto niya at sinilip kung sino iyon. Hindi naman siya nagkamali ng hinala dahil si Clyde nga iyon.

Naisip niyang baka hindi pa ito kumakain kaya pinili niyang lumabas ng silid niya at asikasuhin muna ito. When she arrived at the living room, she made her presence known to him.

"Hello," bati niya rito. "Ginabi ka na yata."

"Gising ka pa pala," wika nito nang maramdaman nito ang presensya niya habang nakaupo ito sa sofa at inaalis ang sapatos nito. "Hinihintay mo ba 'ko?"

Bigla siyang natameme.

Hinihintay ko nga ba s'ya? tanong niya sa sarili.

Pwede naman niyang aminin ang totoo. Pero, parang nagdadalawang-isip pa siya.

Syempre! Ayoko namang isipin n'yang nag-aalala 'ko sa kan'ya, katwiran niya sa isip niya. Baka mamaya, kung ano pang isipin n'ya.

"Ah... Eh... H-hindi," tanggi niya. "Magsi-CR lang sana 'ko. Kaso, nagkataong andito ko na pala," pa-safe niyang sagot. "K-kumain ka na ba?" Change topic niyang bigla.

Tumango naman ito. "Oo." Pagkatapos ay tumayo naman ito.

Sa pagkakataong iyon ay nagkaroon siya ng full view ni Clyde. Naka-suot ito ng puting long sleeves kung saan bakat na bakat ang mga muscles nito and denim jeans that is hugging his thighs almost like a lover. Pang-international model ang datingan ng kagwapuhan nito!

Clyde snapped his fingers on her face. Doon niya lang na-realize na kanina pa pala siya nakatitig dito.

"Hey! Okay ka lang ba? Narinig mo ba ang sinabi ko?"

"Huh? Ah... Eh... O-oo! A-ano nga pala 'yong sinabi mo? M-medyo inaantok pa kasi 'ko, eh," utal niyang sagot dito. Gusto niyang batukan ang sarili niya ngayon dahil sa pagha-hang ng utak niya sa harap ni Clyde.

"Ang sabi ko," panimula nito sa malambing na tono. "E kung pwede mo ba 'kong ipagtimpla ng kape?"

"S-sure," pagpayag naman niya. Pagkatapos ay mabilis siyang nagtungo sa kusina.

Habang gumagawa siya ng kape ay hindi niya maiwasang isipin ang pagkatulala niya rito kanina. Alam niyang gwapo si Clyde. Pero, never pa naman siyang nautal sa harap ng isang gwapong lalake. Kahit kay Dave! Kay Clyde lang.

🌠🌠🌠

NASA SALA si Kendra ngayon kasama ang C.U.P.I.D. maliban kay Clyde dahil tulog pa rin ito hanggang ngayon.

"Tulog pa rin ba si Clyde?" tanong ni Uriah sa kanila. "Anong oras s'ya umuwi kagabi?"

Siya na sana ang sasagot sa tanong ni Uriah nang nakuha ang pansin nilang lahat ng balita sa TV. Pinapakita doon ang stolen photos ni Clyde kasama si Melody. Mukhang kinuha ang mga iyon kagabi dahil parehas ang suot ni Clyde sa pictures at ang damit nito kagabi.

"Namataang nagde-date kagabi ang kapwa E.O.S. Entertainment artists na sina Clyde Song at Melody Delavin sa isang mamahaling restaurant," ulat ng showbiz reporter sa TV. "Sa mga kuhang litrato ng netizens kagabi'y mukhang masayang nag-uusap ang dalawa. Ito ang first time na nakitang muling magkasama sina Clyde at Melody after a very long time. Ang tanong tuloy ng fans nila, sila na nga ba talaga? And if they're really in a relationship, kelan pa?"

His Greatest Fan [Greatly Accomplished!]Where stories live. Discover now