CHAPTER 12: Childhood Memory

1.5K 414 100
                                    

MAY-ARI ng isang beach resort ang pamilya nila Kendra sa Baler noon. Isang araw ay umiiyak siya sa dalampasigan. Gusto niya kasing gumawa ng sand castle. Kaso, hindi siya marunong. Palagi lang gumuguho iyon.

"Bakit ka iyak?" tanong ng isang hindi kilalang boses sa kaniya.

Tumingala siya para alamin kung sino iyon. Nakita niya ang isang cute na batang lalake na nakatayo sa harapan niya. Maputi ang balat nito, naka-bowl cut ang itim nitong buhok, may bilugang-singkit na mga mata at sa palagay niya ay hindi nalalayo ang edad nila sa isa't isa.

"H-hindi ako marunong g-gumawa ng sand castle," humihikbing sagot niya rito.

"Gano'n ba? Gusto mo tulong kita?" alok nito sa kaniya.

Tumango naman siya rito bilang pagpayag. Pagkatapos niyon ay kinuha ng batang lalake ang laruang balde niya at sumalok ng tubig mula sa dagat. Pagkatapos ay binuhos nito iyon sa buhangin at nagsimulang humulma ng isang torre. Naisip naman niyang walang mangyayari sa kakaiyak niya kung kaya kusa na siyang tumahan at tinulungan na lang ang batang lalake sa paggawa ng sand castle.

"Anong pangalan mo?" nakangiting tanong niya rito.

"Hyuk Eun," sagot nito sa kaniya.

"Bakit gano'n ang pangalan mo?" usisa niya rito. Ngayon lang kasi siya nakarinig ng ganoong klaseng pangalan. Parang kakaiba.

"Korean kasi ako," tugon nito sa kaniya.

"Anong Korean?" usisa niya rito.

"Ibig sabihin, 'di ako tira dito Philippines," tugon nito sa kaniya. Nakuha na niya ang ibig nitong sabihin na hindi ito Filipino. Kaya siguro barok din ito Tagalog nito.

"Pero, bakit marunong kang mag-Tagalog?" tanong niya ulit dito.

"Pinay kasi Mommy ko," sagot nito sa kaniya. "Turo n'ya 'ko Tagalog."

"Ah... Kaya pala," she finally understood.

"Eh, ikaw? Anong pangalan mo?" tanong naman ni Hyuk Eun sa kaniya.

"Ako si KZ," pakilala niya rito.

Kendra Zoey ang buong first name niya. Pero, KZ ang palayaw niya dahil iyon ang tawag sa kaniya ng mga magulang niya.

"Hyuk Eun!"

Napalingon silang biglang dalawa nang may tumawag kay Hyuk Eun. Nakita niya ang isang lalakeng sa tingin niya ay kasing-edad ng sarili niyang ama na naglalakad papunta sa kanila. Nang makalapit ito sa kanila ay agad niyang napansing kahawig ito ni Hyuk Eun.

"그녀는 누구야? (Geunyeoneun nuguya?)" usisa ng matandang lalake, na sa palagay niya ay tatay nito, kay Hyuk Eun. Hindi niya naintindihan ang sinabi nito.

"그녀는 켄드라, 아빠 야 (Geunyeoneun Kendeula, Appa ya)," sagot ni Hyuk Eun dito. "친구. (Nae sae chingu.)"

Hindi niya rin naintindihan ang sinabi ni Hyuk Eun. Pero, manghang-mangha siya rito dahil nakakapagsalita pala ito ng ibang wika. Sa palagay niya ay ganito magsalita ang mga Koreano.

Nginitian naman ng tatay nito si Hyuk Eun. "진짜? 너와 함께 사진 찍자. (Jinjja? Neowa hamkke sajin jjigja.)

Pagkasabi nito niyon ay pinagtabi silang dalawa nito. Pagkatapos ay tinutok nito ang camera sa kanilang dalawa.

"하나 셋! 김치. (Hana, dul, set! Kimchi.)" Sa hudyat nito na hindi niya rin naintindihan ay kinuhaan sila nito ng larawan.

His Greatest Fan [Greatly Accomplished!]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant