CHAPTER 2: Meet C.U.P.I.D.

1.7K 465 216
                                    

NAULINIGAN ni Kendra na parang may mga nag-uusap sa paligid niya. Dahan-dahan niyang minulat ang sariling mga mata. Pagkatapos ay naaninagan niya ang napakaamong mukha ng isang lalakeng nakadungaw sa kaniya.

Napakalapit ng mukha nito sa mukha niya dahilan para mapansin niyang wala itong ka-pores-pores. Bigla tuloy siyang na-conscious sa sariling kutis.

"Gising na siya!" sigaw nito.

Nilayo nito ang mukha nito mula sa kaniya at naupo sa gilid ng kama niya. Doon pa lang niya natitigan ito nang maayos at nakilala kung sino ito. "I-Izzy Marasigan?"

"Oo," kumpirma nito. "Ako nga."

Hindi pa man niya nai-internalize kung bakit nasa harapan niya si Izzy Marasigan ay biglang may panibagong boses na nagsalita sa kabilang gilid ng kama niya. "Okay ka na ba?"

Liningon niya ito. Halos mapugnaw ang hininga niya nang matunghayan ang isang lalakeng may pinakamapupungay na mga matang nakita niya sa buong buhay niya. Talo pa nito ang isang babae sa haba ng mga pilikmata nito. "D-Dave Castañeda?"

Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Hinatak niya ang sariling katawan para sumandal sa headboard ng kama habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa idol niya. "N-nananaginip ba 'ko?"

She thought that there is only one way to find out – kinurot niya ang sarili. "Aray!" daing niya.

Nasaktan ako, she thought. So, ibig sabihin...

Tinaas niya ang hintuturo niya at bahagyang tinusok sa pamamagitan niyon ang pisngi ni Dave. His cheek was too supple to be real. But, it was freaking real!

Napangiti naman ito dahil sa ginawa niya dahilan para maranasan niya, firsthand, ang famous killer smile nito.

"N-nasa langit na ba 'ko?" she unconsciously asked out loud.

"Wala pa," tugon ng isang panibagong tinig.

Lumingon siya sa pinagmulan niyon at natanaw ang isang morenong lalakeng hanggang balikat ang itim na buhok habang nakaupo sa upuang nasa tabi ng isang bedside table. Masasabing siya ang perfect epitome ng tall, dark and handsome.

"Pero, siguradong do'n na rin ang tuloy mo kung nabagok ang ulo mo sa sahig kanina," pagpapatuloy nito.

"Oh, my gosh! U-Uriah K-Khan!" hindi magkandamaliw niyang banggit sa pangalan nito.

"That's right!" Lumipat naman ang paningin niya sa lalakeng nakaupo sa kabilang gilid ng bedside table. Napasinghap siya nang makilala kung sino ito. Sa accent pa lang nito ay hindi na siya maaaring magkamali ng hinala, lalo na nang makita niya ang legendary perfect jawline nito.

"P-Prince Williams III?!"

Ngayon ay alam na niya ang pakiramdam ng kasabihang lumulutang sa cloud nine. Natupad ang wish niya sa falling star kagabi. Specifically, iyong sana ay makita niya si Dave Castañeda sa personal para ma-inspire pa siyang mabuhay. At ngayon ay hindi lang si Dave ang nakita niya kung 'di ang buong C.U.P.I.D.!

Kaso, pakiramdam niya ay lumagapak siya sa lupa mula sa alapaap na kinalalagyan niya nang marinig niya ang mistulang galit at mapanganib na tinig.

"Sino ka ba?!" galit na tanong ng isang pamilyar na boses.

Hinanap niya ang pinagmulan niyon. Natanaw niyang nakasandal sa haligi ang lalakeng nakita niya sa CR kanina. Nakahalukipkip ang mga braso nito at naniningkit ang singkit na mga mata nito sa kaniya. Pero, hindi niya maiwasang huwag hangaan ang gwapong mukha ng maangas na chinitong ito. Doon niya lang nakilala kung sino ito. The bad boy leader of C.U.P.I.D. – Clyde Song.

His Greatest Fan [Greatly Accomplished!]Where stories live. Discover now