CHAPTER 20: Dinner Date

1.3K 375 59
                                    

NAKAHIGA na si Kendra at patulog na sana nang makarinig siya ng katok mula sa pinto ng kwarto niya. Kasabay nang pagbangon niya mula sa kama ay ang pagbangon din ng inis niya para sa taong umistorbo sa beauty rest niya. Kaso, nang buksan niya ang pinto ay naglahong parang bula ang inis na nararamdaman niya at mabilis na gumuhit ang isang malapad na ngiti sa mukha niya nang makita kung sino iyon.

"Clyde, anong ginagawa mo rito? May kailangan ka ba? 'Di ka pa ba inaantok?" sunod-sunod niyang tanong dito.

Nasa Softsand Resort pa rin ito dahil nagpasya itong doon na lang magpalipas ng magdamag dahil masyado ng gabi para magbiyahe ito pabalik sa Manila. Saka, nagpaalam naman daw ito kay Lea at sa mga kasamahan nito sa dormitory na hindi ito makakauwi ngayong gabi. Pero, tanging ang Daddy lang daw nito ang nakakaalam ng totoong dahilan at kung nasaan talaga ito.

"'Di pa, eh," tanging sagot nito sa mga katanungan niya. "Pwede mo ba 'kong samahang maglakad-lakad sa dalampasigan kahit saglit lang? Please..." pakiusap nito sa kaniya with matching puppy eyes. Paano pa ba naman niya ito tatanggihan? Saka, walking by the seashore at night seems romantic for her.

"Sige na nga," pagpayag niya rito. "Magpapalit lang ako ng damit."

"'Wag na," kontra naman nito. "You just look perfect for the occasion." Ang tinutukoy nito ay ang suot niyang plain white na bestida. Dahil maganda ang disenyo niyon at ang hubog niyon sa katawan niya ay hindi mapagkakamalang mumurahin lang iyon. "Pero, sabagay, malamig nga pala sa labas at mukhang manipis ang tela ng damit mo. Sandali. Suotin mo 'tong polo ko."

"'Wag na," tanggi niya rito. Nakasuot lang kasi ito ng board shorts at white t-shirt na napapatungan ng Hawaiian polo nito. "E 'di ikaw naman ang lalamigin."

"Don't worry about me," anito. Pagkatapos ay hinubad nito ang Hawaiian polo nito at isinuot iyon sa kaniya. Hindi niya tuloy maiwasang huwag malanghap ang bangong nakadikit sa damit nito - his clean, fresh and minty scent. "I'm too hot to handle para ginawin."

"Sira ka talaga!" natatawang turan niya rito. "Tara na nga!"

🌠🌠🌠

"WAIT!" awat ni Clyde kay Kendra nang malapit na sila sa dalampasigan.

Hinarap naman niya ito. "Bakit?"

"I need to cover your eyes with this," sagot nito sa kaniya, showing her a red handkerchief.

"Para sa'n?" kunot-noong usisa niya rito.

"Basta," tugon nito. "I have a surprise for you."

"Ano naman 'yon?" she asked him.

"Bakit ko naman sasabihin sa 'yo?" ganting-tanong nito sa kaniya. "Kaya nga surprise, eh."

"Mga pakulo mo talaga, eh, 'no?!" mapanuyang wika niya rito habang nakangiti. "Sige na nga!"

Pagkatapos piringan ni Clyde ang mga mata niya ay laking gulat niya when he scooped her up from the ground with his strong arms and carried her like a real lover.

"A-ano ba, Clyde?! I-ibaba mo 'ko! K-kaya kong maglakad," utal-utal niyang reklamo rito. But, deep inside her ay parang kinikiliti ng pakpak ng mga paruparo ang sikmura niya.

"Trust me.This is much better than me guiding you as you walk. At least, makakarating tayo nang mabilis sa pupuntahan natin nang 'di ka natatapilok, natitisod o nadadapa man lang," he explained logically.

Pero, hindi niya talaga maiwasang huwag kiligin sa paraan nang pagkakabuhat nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay para silang baging-kasal na magsisimula na sa honeymoon nila.

Saglit! pigil niya sa sarili. Anong honeymoon ba ang pinag-iisip ko?! Bakit ang dumi yata ng utak ko ngayon?!

She just snaked her arms around Clyde's neck tighter para hindi ito mahirapan sa pagkarga sa kaniya causing for her to inhale more of his manly scent.

His Greatest Fan [Greatly Accomplished!]Where stories live. Discover now