CHAPTER 5: Gone Girl

501 70 3
                                    

INUUSIG SI Clyde ng konsensya niya. Alam niyang naging malupit siya kay Kendra nang sabihan niyang lumayas ito sa dormitory kanina. But, he didn't mean it. Mainit lang kasi talaga ang ulo niya noon dahil sa pinagusapan nila ni President Claude – ang tatay niya – kaninang hapon sa E.O.S. Entertainment Headquarters. Bigla niya tuloy naalala iyon.

Dumating ang secretary ng ama niya sa dance studio habang nagpa-practice sila ng sayaw para sa darating nilang concert. Sinabihan siya nitong pinapatawag daw siya ng tatay niya sa opisina nito. Pinayagan naman siya ng dance instructor nila kung kaya iniwan niya ang mga ito para puntahan ang tatay niya. Pagdating niya roon ay kinatok niya ang pinto ng opisina nito.

"Come in," sabi ng nasa loob ng kwarto.

Binuksan niya ang pinto at tumambad sa harap niya si President Claude Song. Nakaupo ito sa swivel chair at abala sa pagpirma ng mga papeles na nasa ibabaw ng malawak na mesa nito.

His father is already sixty years old. Pero, hindi iyon halata dahil napapanatili nito ang kakisigan ng katawan nito. Ang namumuti lang nitong buhok ang nag-iisang clue sa tunay nitong edad. Ilang beses na niyang pinayuhan ang amang mag-tina ng buhok. Pero, ayaw hindi nito sinusunod iyon dahil nagmumukha raw itong matalino sa buhok nito ngayon.

Maraming nagsasabing kamukha raw niya ang Daddy niya nang kabataan pa nito. Sang-ayon naman siya dahil nakita na niya ang mga larawan nito nang binata pa ito.

Tinigil naman nito ang ginagawa nito nang makita siya. "Son..."

"Dad..." tawag ni Dave dito. "What did you call me for?"

"Gusto lang sana kitang kumustahin," sagot nito sa kaniya. "How have you been?"

"'Yon lang ba?" he sarcastically asked him as he sat on the chair in front of him. "Sana tinext mo na lang sa 'kin 'yan. Magre-reply naman ako."

"I really just want to see you personally," President told his son.

"Oh, c'mon, Dad! I know you. 'Di ka makikipagkita sa 'kin malibang kung may importanteng bagay tayong dapat pag-usapan. So, spill it out," he impatiently told him.

Hindi naman sa galit siya sa tatay niya kaya ganoon siya makapagsalita rito. It's just that alam niyang may malaking pabor itong hihingin sa kaniya at gusto na niyang malaman kung ano iyon.

Tumayo si President at lumakad papunta sa personal ref nito. Tahimik lang niyang sinusundan ito ng tingin.

Kinuha nito mula roon ang isang bote ng soju. Pagkatapos ay dumampot ito ng dalawang maliit na baso at saka bumalik sa pagkakaupo.

"Alam kong alam mong matanda na 'ko, Clyde," panimula nito habang sinasalinan ng alak ang dalawang baso. Nang mapuno ang mga iyon ay binigay nito ang isa sa kaniya na tinanggap naman niya. "Marami na rin akong iniindang sakit sa katawan nitong mga nakaraan araw. Gusto kong magpahinga." Then, his father slouched on his chair and breathed heavily.

"Then, leave the company for a year," he suggested. "Habaan mo pa kung 'di pa sapat 'yon. Pwede ka namang maglagay ng OIC habang wala ka."

"No," kontra nito sa suggestion niya. Mukhang alam na niya kung saan mapupunta ang usapang ito. "You don't get my point here, son. I want you to leave C.U.P.I.D. and take my place in this company."

Sinasabi ko na nga ba, he thought. Tama ang hinala ko.

"I can't do that, Dad," sabi niya rito. "My groupmates were like brothers to me! 'Di ko sila kayang iwan sa ere. At saka wala 'kong alam sa pagpapatakbo ng negosyong 'to!"

His Greatest Fan [Greatly Accomplished!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon