CHAPTER 14: Prestige Mall

410 39 1
                                    

TULAD ng sinabi ni Melody kay Kendra ay nagpunta kaagad siya ng Delavin's Foundation pagkabalik niya ng Manila bitbit ang mga requirements niya dahil ayaw niyang ipagpaliban pa ang mga ganitong uri ng bagay. Mabuti na lang at pinayagan siya ni Lea nang nagpaalam siya. But, strangely, ay binilinan siya nitong mag-ingat kay Melody dahil hindi raw niya alam ang totoong ugali nito.

Hindi naman siya nagpaapekto sa sinabi nitong iyon dahil nagkabati na sila ni Melody. Gayundin ang buong M.A.J.Y.X. sa C.U.P.I.D.. Saka naramdaman niya rin ang sinseridad sa pakikipag-ayos nito sa kaniya nang nakaraan.

"Thank you so much po," pasalamat ni Kendra sa staff ng Delavin's Foundation while smiling from ear-to-ear.

"Walang anuman 'yon," sabi ng staff while reading her transcript of records from her previous school. "Bukod sa ni-refer ka mismo ni Ms. Melody Delavin ay maganda rin naman ang scholastic records mo. Siguradong 'di manghihinayang ang foundation para sa full scholarship grant na ibibigay nito sa 'yo."

"Maraming salamat po talaga," she thanked the staff. "'Di n'yo po pagsisisihan ang tulong na ibibigay n'yo sa 'kin."

"That's good to hear," sabi nito sa kaniya. "Oh, sige. Kailangan ko nang umalis. Marami pa kasi 'kong gagawin."

"Okay po," wika niya rito. "Alis na rin po 'ko."

"Sure," anito. "Take care."

"Kayo rin po." Pagkatapos ay umalis na siya. Hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng office ay biglang tumawag si Melody sa kaniya. "Hello?"

"Hi, Kendra!" bati nito sa kaniya mula sa kabilang linya. "So, how's the interview?"

"Okay naman," sagot niya rito. "Natanggap ako. Maraming salamat sa tulong mo, ah!"

"Ano ka ba?! You deserved it," she told her. "Anyway, may gagawin ka ba ngayon?"

"Wala naman," she answered. "Pinagpaalam ko naman na 'tong buong araw na 'to."

"That's good to know," Melody said. "We should celebrate your acceptance sa scholarship program mo. Pwede mo ba 'kong samahan sa mall?"

"Sige," pagpayag niya rito. "Kaso, 'di ka kaya pagkaguluhan sa mall?"

"Don't worry," tugon nito. "We're going to hangout at the Prestige Mall. So, it's safe."

🌠🌠🌠

NAGPUNTA nga si Kendra sa Prestige Mall kung saan sinabi ni Melody na magkita sila. Hindi alam niya alam kung paano magpunta roon kaya naman nag-taxi na lang siya. At ni sa hinagap niya ay hindi niya pinangarap na magpunta roon kung hindi lang siya tumatanaw ng utang na loob kay Melody dahil ang alam niya ay isang luxury mall iyon na puro mayayaman lang, o hindi kaya naman ay mga middle class, lang ang nagpupunta. So, imposible ngang pagkaguluhan si Melody ng mga tao roon dahil sa palagay niya, kung 'di mga nasa alta sociedad at foreigners, ay mga kapwa celebrities din nito ang naroon.

Pagdating ni Kendra roon ay nag-aalangan, nahihiya at kinakabahan siyang pumasok sa loob ng mall dahil sa simpleng kasuotan niya. Naka-t-shirt, pantalon at rubber shoes lang kasi siya. Hindi tulad ng ibang mga pumapasok dito na naka-postura. At kung naka-t-shirt, pantalon at rubber shoes man ay sigurado niyang branded lahat. Samantalang siya ay sa Divisoria niya lang nabili ang mga damit niya. At tinawaran niya pa!

Gusto man niyang sumabay kay Melody sa pagpasok sa loob ng mall ay hindi na pwede dahil kanina pa raw ito nasa loob ng mall at hinihintay na siya. Ayaw naman niyang sabihan ito na lumabas ng mall at sunduin siya dahil masyado naman siyang pa-importante kung ganoon. So, nilakasan na lang niya ang loob niya at dumiretso sa entrance ng mall.

His Greatest Fan [Greatly Accomplished!]Where stories live. Discover now