CHAPTER 18: Real Feelings

1.2K 380 57
                                    

TAMA NGA ang hinala ni Kendra. Pagkatapos niyang bigyan ng pera si Bianca ay manghihingi na naman ito. Hindi siya nilubayan ng mga tawag at texts nito hanggang gabi. Pinagbantaan pa siya nitong ipagkakalat ang kinaroroonan ng C.U.P.I.D. kapag hindi niya ito binigyang muli ng ten thousand pesos sa susunod na linggo.

"Subukan mong 'wag ibigay ang hinihingi ko't sisiguraduhin ko sa 'yong magka-camping ang fans ng C.U.P.I.D. d'yan sa labas ng bahay n'yo," pagbabanta ni Bianca sa kaniya nang tawagan siya nito kanina.

Gustuhin man niyang sabihin sa C.U.P.I.D. ang problema ay alam niyang hindi iyon ang pinakamatalinong gawin dahil siguradong pipilitin nila si Lea na lumipat kaagad sila ng tirahan. Syempre, tatanungin ni Lea kung bakit. At kapag nalaman ni Lea ang dahilan, siguradong sasabihin din nito iyon kay President. At kung sakaling pumayag man si President na lumipat nga ang C.U.P.I.D. ng bagong tirahan ay siguradong hindi na siya makakasama roon dahil tiyak na tatangalin na siya nito sa trabaho dahil sa kapalpakan niya.

"Sinasabi ko sa 'yo. Hanggang alam ko kung nasa'n ka'y 'di kita titigilan," panibagong banta ni Bianca sa kaniya sa telepono kanina.

Pa'no kaya kung umalis na lang ako rito sa dormitory? she asked herself. Tantanan na kaya 'ko ni Bianca?

Pagkatapos ay naisip niyang mas mabuti nga sigurong iyon na lang ang gawin niya nang sa ganoon ay hindi siya gaanong mapahiya at masaktan dahil alam niyang palalayasin din naman siya ng management sa oras na ituloy ni Bianca ang banta nito.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at nagtungo sa built-in cabinet. Binuksan niya ito at kinuha ang maleta niya. Pagkatapos ay nilagay niya ang lahat ng mga damit at kagamitan niya roon.

Nang nilagay niya sa loob ng maleta ang picture frames na nakapatong sa ibabaw ng bedside table niya ay napansin niyang kulang ang mga iyon. Nawawala ang larawan kung saan kasama niya ang kababatang si Hyuk Eun.

Sinubukan niyang hanapin iyon. Kulang na nga lang ay itaob niya ang buong kwarto niya. Pero, hindi niya talaga makita iyon. Hanggang sa nagpasya siyang hayaan na lang iyon. Total ay sanay naman na siyang mawalan ng mahahalagang bagay at tao sa buhay niya.

Dahan-dahan siyang lumabas ng bahay bitbit ang maleta niya at mabigat man sa kalooban niya ay walang-paalam niyang iniwan ang mga taong tinuring na rin niyang kapamilya sa loob ng maikling panahon para sa ikabubuti nilang lahat.

🌠🌠🌠

TANGHALI NA nang nagising si Clyde kinabukasan. Napuyat kasi siya kakaisip kay Kendra. Simula kasi nang makasayaw niya ito nang E.O.S. Ball ay hindi na ito nawaglit sa isip niya.

Bakit kaya? he asked himself, trying to decipher his real feelings for Kendra.

Sa tuwing pinipikit niya ang sariling mga mata ay wala na siyang ibang nakikita kung hindi ang napakagandang mukha nito o hindi kaya ang mga intimate moments nilang dalawa na nakakapagpakilig sa kaniya.

Kilig? he wondered.

Inaamin niya. Kay Kendra lang siya nakaramdam ng ganoon. Actually, hindi lang kilig. Kung hindi sari-saring emosyon. Tulad ngayon, mula sa tuwa ay bigla siyang nainis dito nang maalala niyang pumayag itong magpaligaw kay Dave.

Ayaw niyang mangyari iyon. Hindi niya iyon gusto. Ang gusto niya ay ito!

Wait! pigil niya sa sarili. Did I just say na gusto ko s'ya? Si Kendra?

Bigla siyang napaisip nang malalim.

'Di kaya 'yon ang dahilan kung bakit ako nagkakagan'to? he thought.

His Greatest Fan [Greatly Accomplished!]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora