Chapter 13

1.7K 64 28
                                    

Briana Xyra's POV

Nagising ako ng wala nang Althea sa tabi ko. Naglakad ako papuntang banyo para ma check kung nandon siya, pero wala. Bumaba nalang ako at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.

Pagdating ko sa dining area nagtatawanan sila mommy habang nakakandong si Althea kay daddy.

"Good Morning Mommy!" bati ni Althea at mabilis na bumaba para halikan ako sa pisnge.

Binuhat ko siya at hinalikan siya sa pisnge. "Good Morning Sweetie!"

Naglakad ako papalapit kayla mommy at hinalikan sila sa pisnge. "Good Morning."

Umupo ako sa tabi ni mommy. Kaharap ko si Ate sa upuan.

Ngumiti sila mommy. "Come here Princess." sabi ni daddy. Lumapit si Althea kay daddy. Binuhat naman siya nito at pina upo ulit sa kandungan niya. Okaaay? Kailan pa sila naging close? Sa pagkakaalala ko hindi ko pa napakilala si Althea sa kanila.

"Let's eat." sabi ni dad. Nag pray muna kami bago kumain.

"Papsi are we going to church today?" tanong ni Althea kay daddy sa kalagitnaan ng aming pagkain. Sinusubuan ni daddy si Althea habang si mommy naman ang nagpapainom sa kanya ng tubig.

"Of course Princess." nakangiting sagot ni daddy kay Althea. Ngumiti si Althea at tumayo mula sa pagkaka upo. Lumapit siya sakin. "Mommy I'm going to take a bath first." paalam niya sakin.

"Are you done eating?" I asked her. She nodded.

"Sure baby. Careful okay?" tumango siya at nagmadaling umakyat papuntang kwarto.

"Princess kailan mo nakita si Althea?" tanong sakin ni ate pagkaalis ni thea.

"We saw her yeaterday at the movie theater. Iyak siya ng iyak kasi daw iniwan daw siya ng mommy niya. Then may nakita kaming sulat sa pantalon niya na may nakasulat na kung sino man ang makakita sa kanya amponin nalang kasi may taning na daw ang buhay ng mommy niya." paliwanag ko sa kanila.

"We?" takang tanong ni kuya. Tumango ako. "Yup. Me and Xavier."

"Bryce Xavier Scott?" tanong ni dad. I nodded in response.

"Ah." Sabi ni dad at uminom ng kape.

"Dad." tawag ko sa kanya. Tumingin siya sakin. "Hmm?" sagot niya.

"Can I adopt Althea? I want her to be my legal daughter." tanong ko sa kanya. Dad smiled. "Of course sweetie."

"Thanks dad." tumayo ako para halikan si daddy sa pisnge. Agad rin naman akong bumalik sa upuan ko para tapusin ang pagkain.

Matapos naming kumain, umakyat agad ako sa kwarto para magbihis, magsisimba kasi kami ngayon. Hindi naman porket mayaman kami eh dapat makakalimot na sa panginoon. Tandaan ang diyos ang nagbibigay ng biyaya at kaginhawaan sa atin kaya dapat tayong magdasal at magpasalamat sa kanya. At hindi dapat makalimutan na ang diyos ang lumikha sa lahat-- tao, hayop, at kalikasan-- nararapat lang siyang pasalamatan.

Naabutan ko si Althea na naka upo sa couch habang nasa harapan niya ang mga pinamili naming dress kahapon. Nakakunot ang noo niya at tinuturo ang mga dresses niya habang kumakanta ng Eyne Meyne Mayne Mo.

Lumapit ako sakanya. "What's wrong sweetie?" tanong ko. She looked at me at ibinalik ulit ang tingin sa mga dress.

"I don't know kung anong dress ang susuotin ko mommy." nakanguso niyang sabi. Gusto kong kurotin yung lips niya. Ang pula kasi. Reddish lips parang katulad kay Xavier.

"Choose the red one sweetie kasi mommy will be wearing red dress today." lumingon siya sakin at ngumiti ng malapad. Kinuha yung red dress niya at isinuot sa kanya. 

The Empress In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon