Panakip butas.

Sabi ko sa sarili ko, haharapin lang kita kung buo ka na.
Ngunit, heto ako, hawak hawak na ang mga piraso mo at pilit kong pinagtatagpi tagpi.
Ang mga piraso ng sarili mong nawasak sa babaeng minahal mo,
na walang kasiguraduhan kung mabubuo muli,
na hindi ko alam kung paano ko tatahiin.

Sabi ko sa sarili ko, baka hindi pa ito ulit ang pagkakataon nating maging tayo.
Ngunit, eto nanaman ako, nagpapakatanga para sa'yo,
pilit na sinasalo ang mga sakit na ibinabato mo maibsan lang ang mga hinanakit na naipon sa puso mo.

Sabi ko sa sarili ko, mahuhulog lang ako sayo kung ganap na ikaw na ang nasa harapan ko.
Pero, heto ako ngayon, pinupulot ang binato mong mga piraso sa pamamagitan ng "nandito lang ako" at "magiging okay ka din".

Tinahi ko na ang mga nawasak na parte ng pagkatao mo,
tinahi ko na ang mga butas na nasira dahil sa nakaraan mo,
pilit kong binuo ang pagkatao mo habang winawasak ko ang sarili ko.

At gaya lang ng dati,
kapag dumating sa puntong buo ka na,
makakalaya ka na.

spilled ink [compilation]Where stories live. Discover now