Nagsimula sa mga asaran
na ipinilit ng magkakaibigan,
ngunit sa hindi inaasahan
ako'y mag-isang nakipagsapalaran.


Lumalim ang ating samahan
kasabay ng aking nararamdaman
dahil tayo'y pinagtulakan
upang maging magkasintahan.


Sana'y iyong mapansin
ang lihim na pagtingin.
Ito ang aking damdamin,
kailan ko ba sasambitin?


Sa tuwing ako'y iyong kinakamusta
puso ko'y nagagalak sa tuwa,
humihiling sa mga tala
na magkaroon tayo ng pag-asa.


Ngunit mukhang malabo
dahil iba ang nilalaman ng 'yong puso.
Mundo ko'y parang guguho
dahil akala ko'y ako.


Isang kaibigan mo lang pala,
hanggang doon at hindi na lalagpas pa.
Kaya paalam na
dahil hindi ko na kaya.

spilled ink [compilation]Where stories live. Discover now