Nagkakilala tayo sa hindi inaasahang pagkakataon. Una pa lamang ay gusto na kita. Noong napansin mo ako, kinuha ko na ang oportunidad upang maging magkaibigan tayo. Nagpakilala ka at ganon din naman ako. Habang tumatagal lalo kitang nakikilala, lalo akong nahuhulog. At noong mga panahon na yon, hinihiling ko na sana ganoon ka rin sa akin. Lumipas ang mga buwan, nagtapat ka na ng iyong damdamin para sa akin. Noong una ay hindi ako makapaniwala, hanggang sa pinaramdam mo talaga na seryoso ka nga. Nakita ko naman kung gaano ka kaseryoso kaya paglipas ng anim na buwan, sinagot na kita. Alam mo bang yun ang paborito kong araw? Dahil sa wakas nakuha ko na ang lalaking pinapangarap kong maging akin noon pa man na akala ko ay imposibleng mangyari.


Ngunit, bigla ka nalang nagbago. Nanlamig. Tinanong kita kung may nagawa ba ako, pero ang sabi mo, wala. Bumalik sa dati, ngunit makaraan ang isang linggo, nanlamig ka nanamang muli. Hanggang sa umamin ka nga na may iba ka ng mahal at hindi na ako. Sobrang sakit, walang gabi na hindi ako umiiyak dahil sayo. Walang gabi na hindi ko hiniling na sana magbago ang isip mo. Walang gabi na hindi ko tinatanong ang sarili ko kung saan ba ako nagkulang. Hanggang sa isang gabi, napagod na akong umiyak at magtanong. Napagod na akong masaktan at magpakatanga. Napagod na akong umasa na babalik ka pa at hihingi ng tawad. Napagod na akong mahalin ka dahil nagising na ako sa katotohanang dapat ko din palang mahalin ang sarili ko. 

spilled ink [compilation]Where stories live. Discover now