Kamusta ka na? Ilang buwan na rin pala ang nakalipas noong araw na isinuko kita dahil sa hindi malamang dahilan. Hindi ko akalain na magagawa 'kong bumitaw sa relasyon natin, kahit ako man ay nabigla sa nasabi at nagawa ko sayo noong araw na yon. Simula noon, litong lito ako sa mga nangyayari. Diba dapat maging masaya ako kasi wala ng tayo? Malaya na ako at hindi na ako masasaktan pa dahil sayo. Dapat maging masaya ako, pero ang nangyari, mas lalo akong nasaktan sa ginawa ko. Pinipilit ko namang kalimutan ka pero hindi ko talaga magawa. Pinipilit kong tanggapin yung katotohanang wala ng tayo pero iba ang sinisigaw ng puso ko. Pinipilit ko naman lahat eh. Pero kanina, nagkausap tayo. Gaya lang ng dati, kamustahan. Alam mo bang nasaktan ako nung sinabi mong okay ka na at natanggap mo na talagang wala na tayo? Gusto kong itanong sayo non kung mahal mo pa ba ako, kung pwede pa bang isalba yung nasirang relasyon natin, kung pwede bang magkaroon ng 'tayo' sa pangalawang pagkakataon. Gusto kong itanong lahat yan sayo pero naisip ko na para saan pa? Eh baka nga nakamove-on ka na, na natanggap mo na, na baka may iba ka ng mahal, na baka hindi na ako yung naalala mo sa tuwing naririnig mo ang salitang "mahal" o "pag-ibig". Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sayo noong nakipagbreak ako, pero hindi ko nagawa kasi nakita kong masaya ka na.

Ang tanging hiling ko lang kung meron ngang ibang nagpapasaya sayo, sana mahalin ka niya ng higit pa sa pagmamahal na binigay ko sayo noong tayo pa. Sana maging mas masaya ka sa kanya, at sana hindi ka niya iwanan katulad ng ginawa ko sayo. Sana tuparin niya ang mga pangako niyang bibitawan. Yun lang naman ang gusto ko, ang makita kang masaya habang ako nagsisisi at nasasaktan pa rin dahil sa ginawa kong pag-iwan sayo noon. Hayaan mo, kakayanin ko naman. Pipilitin kong maging matatag kahit wala ka na. Pipilitin kong ngumiti kahit wala na yung taong nagpapangiti sa akin. Pipilitin kong tumayo sa sarili kong mga paa kasi wala ka na. Pipilitin kong kayanin kahit wala ka na.

spilled ink [compilation]Where stories live. Discover now