Naalala mo pa ba yung araw na nagbitaw tayo ng pangako sa isa't isa? Ang buwan at mga bituin ang saksi noon. Naalala mo pa ba yung araw na ipinangako mong ako lang at hindi ka maghahanap ng iba? Sinabi mo pa nga sa akin na hindi tayo susuko kahit anong mangyari at lalaban tayo kahit gaano pa kabigat yung problemang dadating sa atin. Eh nung sinabi mong mag-aaway tayo pero hindi tayo maghihiwalay, naaalala mo pa ba?

Eh anong nangyari ngayon? Bakit bigla ka nalang nang-iwan? Alam mo ba kung gaano kasakit ang mapangakuan ng mga ganyang bagay? Ginawa ko naman lahat diba? Hindi naman ako nagkulang sayo pero bakit nagawa mo akong iwanan? Hindi pa ba ako sapat? Hindi pa ba sapat yung pagmamahal na ipinaparamdam ko sayo kaya mo ako itinapon nalang basta? Bigla ko tuloy naisip na baka nga nagsawa ka na, na napagod ka na umintindi, na na-fall out of love ka na, na baka may nakita kang iba pang mas better sa akin, na baka matagal mo na akong hindi mahal at humahanap ka lang ng tiyempo para makipaghiwalay sa akin. Ganon mo nalang ba ako iiwanan? Basta basta? Ganon mo nalang bang itatapon lahat ng pinagdaanan natin? Ganon nalang ba yon?

Alam mo, miss na miss na kita. Gusto ko sanang kamustahin ka. Gusto ko sanang itanong na kung pwede bang tayo nalang ulit kaya naisip ko bigla na bisitahin muli ang account mo sa facebook. As usual, para alamin kung okay ka lang ba o ano. Kaso ang sakit eh, lalo na nung nakita ko yung picture niyong dalawa na magkasama at sinabi mo pa na sinagot ka na niya. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na sana pangatlong taon na natin? Gusto sana kitang batiin ng "happy anniversary baby!" kaso naisip ko na hindi na nga pala ako ang baby mo. Hindi na nga pala tayo, kasi may iba ka na.

spilled ink [compilation]Where stories live. Discover now