Heto ako, naghihintay na naman sayo
nagbabakasakaling habulin mo
para sa isa pang pagkakataong
maging tayo.
Ngunit aking napag-isipan
na ako pala ang dahilan
kung bakit ka lumisan
para hindi na muling magkasakitan.
Ako ngayo'y sising-sisi
sa mga salitang sinabi
na dahilan ng iyong pagtangis
at nararamdamang hinagpis.
Kaya paalam na aking mahal,
ako'y lilisan na.
Salamat sa pagmamahal,
palalayain na kita.
![](https://img.wattpad.com/cover/93966888-288-k476410.jpg)