Hirap na hirap na ako.

Hirap na magtago ng nararamdaman para sayo, hirap na pigilan ang lumalalim na pagkagusto sayo, hirap na pigilan ang sarili na 'wag munang mahulog sayo.

Iniisip ko nga kung ano nga bang dahilan kung bakit kita nagustuhan ng ganito?

Bakit parang ang bilis ng pangyayari?

Parang kailan lang nung nagkakilala tayo, tapos ngayon, hulog na hulog na ako sayo.

Ano na? Sawang sawa na akong magtago at magpanggap na walang nararamdaman sayo, kasi natatakot ako na baka kapag napagtanto mo, magbago ang lahat.

Natatakot akong lumayo ka kasi nasanay na ako sa presensya mo, natatakot ako na baka masayang lang yung pinagsamahan natin kapag nalaman mo, natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari.

Sino nga ba naman kasi ako para sayo? Wala lang naman ako sayo diba? Hindi naman ako importante sayo kagaya niya.  

spilled ink [compilation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon