"Hah!" nauubos talaga ang lakas ko kapag ginagawa ko yun. Dyahe.

*Azure's POV*

Azure Glandiers here. I'm nice AT TIMES. Depende sa kaharap o kausap.

"Kailangan pa ba yan?" tanong ko kay Arzen, naglalakad kasi kami ngayon papuntang room ni Zap. Mag-si-sneak in kami ng info. ngayon matapos nung araw na marealize namin ang similarities ng dalawang RIJ, hindi na kami magkamayaw sa paghahanap ng kasagutan sa kung magkaano-ano ba silang dalawa ni Vlad. The way she look, Vlad na Vlad talaga ang mga mata niya.

"Oo no, Malay mo in case of emergency magamit." sagot niya.

"Maghahanap tayo ng mga info. hindi tayo magcacamping." inis na sabi ko sa kanya. Biruin mo ba naman, nagdala ng malaking bag at nilagyan ng kung ano anong wala namang silbi.

"Ano ba yan?!" tanong ko nung makita kong may inilalagay pa sya sa bag niya.

"Lotion. Kontra lamok." sabi niya.

"Handa ka talaga eh no? Lotion, Kontra Lamok?" sabi ko sabay agaw ng dinadala niyang bag at binuksan. "Ano to? Flashlight, para makakita sa dilim? Extra Shirt, para kung pagpawisan ka? may Gloves pa?" sabi ko sabay wagayway ng gloves sa harap niya.

"Syempre, pano kung may kukunin tayo, kung walang gloves makikita fingerprints natin."

"Hah! May PAGKAIN ka pa talaga, para saan baon? Nagbabalak ka talagang magcamping no?" tanong ko sa kanya tapos kinapa ko ang noo niya. "Malala ka na." sabi ko at pabatong ibinalik sa kanya ang bag niya.

"Huy! Importante ang pagkain kapag mag-gaganito tayo, malay mo abutin tayo ng gutom habang nagtatago tayo ayaw mo nun? Walang makakarinig ng mga nangangalampag sa tyan ko?"

"Ipa-check up mo yan, baka may bulateng laman na yang tyan mo!" banas na sabi ko.

"O-oy di ah!" defensive na sabi niya.

"Oh. Katukin mo na." utos ko sa kanya nang makaabot na kami sa harap ng pinto ng room ni Zap.

"Bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw?"

"Ikaw ah! Parati nalang ako!" yamot na sabi niya.

"Bilis na." pang-aapura ko pa.

*KNOCK* *KNOCK*

Maya maya pa ay may nagbukas na ng pinto, isang banas na Zap ang bumungad samin.

"Himala atang marunong na kayong kumatok?" sarkastikong sabi niya samin.

"Naman." ngingiti-ngiting sabi ko saka ako tumuloy sa kwarto niya, sumunod naman sakin si Zap.

Maganda ang kwarto ni Zap. Masyadong malinis, ewan ko ba sa kanya daig pa ang babae sa kalinisan, ang arte arte pa sa gamit. Just so you know, lahat ng S+ students ay may kanya kanyang kwarto di tulad ng sa Lower Class or Special Class na may roommate pa, kokonti na nga lang kaming estudyante, titipirin pa kwarto namin? ah-uh!

"Psh."

"Seems like someone's having a baaaad daaaay." i said in a sing-song tone.

"Pre." sabi ni Arzen sabay tapik kay Zap. Sinundan naman sya ng tingin ni Zap, tinging tila nakakita ng alien.

*CLOSES DOOR*

"San sya?" takang tanong ni Zap habang nakaturo kay Arzen nung makapwesto na sya ng upo sa harap ko.

"Sama ako sa inyo?" sabi ni Arzen.

"Eh, Ano yan?" tanong ulit ni Zap.

"Wala. For emergency purposes." sagot ni Arzen. Nagtinginan naman kami ni Zap, as if we were communicating through our eyes, sabay kaming kumuha ng tig-dalawang unan at sabay din naming tinapon kay Arzen.

Lost Academy Where stories live. Discover now