"Yes. Ma'am" sagot namin in Chorus.

"And as for you Special Class. Huwagg niyong mamaliitin ang makakalaban niyo." sabi niya sa Special Class. Nagnod naman ito sa kanya.

"Before everything else, I will explain the rules and mechanics and after that, as I call your names, stand up." sabi ni Ma'am nung mailagay na nya ang record books niya sa isang lamesa. "Parang laro lang ang gagawin nating ito. Tatawag ako ng dalawang tao na magtatagisan sa pagsira ng bagay na iyon." sabay turo sa taas. May isang malaking Blue diamond ang nakalutang dun sa ere, para siya Crystal na kumikinang at parang may violet na bagay sa pinaksentro nito. "At kapag nasira na, mag-uunahan kayo sa pagkuha ng bagay na nasa loob nito. Ang makakuha ay may 100 points ang hindi ay may fifty points. You can use everything you have, your ability, your guardian or your protector PERO ang kailangang kumuha ng bagay na ito ay kayo lamang. Hindi ang mga guardians or protectors niyo okay? kasi kapag sila ang kumuha mapapaso lang sila except for the higher level of guardians and protectors but I strictly won't allow it, kaya kailangang kayo talaga. Bawal mandaya and the most important thing you should remember is sportsmanship." sabi niya.

"And by the way, Hindi kami gagamit ng kahit anong pamproteksyon niyo. Anong silbi ng training na ito kung lilimitahan namin ang kakayahan niyo sa pagharap sa panganib? Kaya mag-ingat kayo, dahil totoong sakitan ang magaganap." sabi niya na seryosong seryoso. Napalunok naman ako ng sunod sunod. The shit is wrong with this life? Aist!

"Okay, First pair, Nikki Sanders and Nathan Darson." sabi ni Ma'am. Napatingin naman ako kay Nikki na mukhang lukot na lukot ang mukha, Isang DP ba naman ang makaharap mo? Misking ako nga, kinakabahan nako dito.

"Goodluck Niks." sabi ko. Tinanguan naman niya ako saka naghalf-smile.

"Oo! GOODLUCK NIKKI! Kaya mo yan! Isipin mo na lang DP yan." natatawang sabi ni Ashley. Loko talaga to, chineer niya nga, pinakaba pa.

"Ashley naman!" sabi ni Nikki.

"Ms. Sanders." tawag ni Ma'am.

"Tawag ka na Nikki. Galingan mo." sabi ko. Naglakad naman si Nikki patungo sa Line kung saan dapat siya pumwesto, nasa harap naman niya si Nathan, nakangisi.

"Kapag narinig na ninyo ang pagtunog ng bell na ito, saka pa kayo magsisimula. So prepare na muna kayo, kung gagamit kayo ng guardian or protector tawagin niyo na." sabi ni Ma'am. Nagnod naman si Nikki at tinawag na nga niya si ever-cute-and-adorable Kokowi habang si Nathan naman nakangisi pa rin. Di na siguro sya tatawag ng guardian. Kinakabahan ako para kay Nikki!

"Okay." sabay pindot ni Ma'am dun sa maliit na bell na hawak hawak niya.

Agad na tumakbo si Nikki patungo sa Center para tirahin ang Crystal, Nagcrack naman ito pero hindi sapat para mabasag na itong tuluyan. Yung Nathan naman parang wala lang na nakatingin sa kanya, di parin kasi ito gugumalaw. Tinitingnan niya lang si Nikki na tinitira ang Crystal. Wow ah, no sweat! Nagpapatalo ba sya?

Tinitigan ko sya ng maigi, nakakapagtataka kasing hindi pa din siya gumagalaw pero nakangisi parin syang tinitingnan ang ginagawa ni Nikki. Ano kayang binabalak niya? Tiningnan ko naman si Nikki, almost halfway na ang nababasag niya at malapit na niyang ma- Wait!

Ang main objective ng game ay ang paunahang makuha ang bagay na nasa mismong loob ng Crystal hindi ang paunahang makabasag ng Crystal. Kaya ang balak niyang gawin ay-

"Maghintay na mabasag ang Crystal." sabi ko habang nakatingin parin sa Nathan na nakangisi. Napansin niya sigurong titig na titig ako sa kanya kaya lumingon siya at nagwink sabay takbo at nag-morph into a Velociraptor, isang flying dinosaur, medyo maliit sya pero mabilis kung lumipad hindi ko madiscribe ang kulay nito, first time ko lang kasi makakita ng Velociraptor in live action, sa encyclopedia ko lang kasi nababasa ang mga tulad nyan. Shit nakakatakot ang itsura!

Lost Academy Where stories live. Discover now