"Ano ba, Rico? Umayos ka nga! Ikaw ba ang ama?"

"Paano kung ako nga?"

"Fuck you." How pathetic! "Gusto ko nang bumaba!"

"Hey! Wait, let me explain!"

"Bababa na sabi ako!" Hinigit ko ang braso niya para pahintuin siya sa pagda-drive. Napaka niya!

Napapreno agad siya nang maipit kami sa gitna ng mga sasakyan dahil sa malapit na toll way. Hinubad ko ang seatbelt ko at saka lumabas ng sasakyan niya.

Bakit nga ba ako nagtiwala sa kanya?

He's Ronerico Dardenne! Napakaraming nakakakilala sa kanya! Kahit ang mga kakilala naming baklang designer, naglalaway sa kanya!

"Hey! Jaesie!"

Narinig ko ang sigaw niya sa gitna ng mga busina ng mga sasakyang naipit sa traffic.

Nilakad ko ang gitna ng mahabang kalsada para maghanap ng blangkong taxi o bus pabalik ng Manila.

"Jae!"

"Leave me alone!"

"Ano ka ba?" Napahinto ako nang mahatak niya ang braso ko. Pagpaling ko sa likuran, si Rico at ang pigil niyang ngisi ang bumungad sa akin. "Ano'ng tingin mo sa 'kin, basta-basta lang dumidisgrasya ng babae?"

"Oo! 'Yon ang tingin ko sa 'yo! Sa inyo ng barkada mo!" Pilit kong binabawi ang braso ko pero hindi niya ako binitiwan.

Rico looked at me like I was a big joke.

"Don't grin at me," I irritatedly asked.

"Kung nakikita mo lang sana ang sarili mo ngayon," aniya at saka umiling.

"I hate you!" Nahampas ko siya sa braso dahil sa inis pero nginitian lang niya ako. "Isa ka rin, e! Ano ba'ng atraso ko sa inyo, ha? Nature n'yo ba talagang mga lalaki ang manloko?"

"Whoa! Huwag kang mag-generalize, Mrs. Dardenne! Bakit pati, ako dinadamay mo sa maling impression mo, ha?"

"Because it's—" Lalong nagsalubong ang kilay ko. "Ano'ng itinawag mo sa 'kin?"

Napansin kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko at sumimple pa lalo ang ngiti niya.

"Ang sabi ni Tricia sa 'kin, sasabihin niyang may pakakasalan na siyang iba at hindi na kami puwede. And that was supposedly today kaya nga isinama kita at kasama sana niya ang guy na pakakasalan niya." Nginitian niya ako. At napakakalmado ng ngiti niya sa akin na parang sinasabing huwag na akong mag-alala dahil ayos lang ang lahat. "Alam naming pareho na walang puwedeng maging kami. At hindi si Tricia ang tipo ng babaeng sumusugal sa relasyong alam niyang hindi naman magwo-work. This is something na walang point pagselosan."

"Hindi ako nagseselos!"

"All right, sige." Hinawakan lang niya ang batok ko at idinantay ang pisngi ko sa balikat niya. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo at tinapik ang likod ko na parang pinapaamo ako.

"We will work this out, okay? Tapos na tayo sa unang trouble ko, lipat na tayo sa panibago."

"Buwisit 'tong mga problema mo," naiinis kong ibinulong. Humugot na lang ako ng malalim na hininga at sinubukan siyang huwag yakapin sa baywang. Pilit kong kinuyom ang kamao ko dahil ayokong maramdaman niyang . . .

"Sige na, huwag ka nang mahiya." Inabot niya ang magkabila kong kamay at ipinaikot sa baywang niya. "Mataas ang pride mo, Jae, matagal ko nang alam 'yon. We can start this getting comfortable with each other stage by hugging me back. Hindi naman tayo maghuhubaran dito sa gitna ng kalsada kung yayakapin mo 'ko."

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now