OKAY, THIS IS OFFICIAL!!! PLEASE, PLEASE READ.

10.4K 79 2
                                    

HELLO! ito po ang pinakalatest update para sa librong ito. kagagaling ko lang uli sa PPC office yesterday. sabi po nila, mahahati sa tatlong libro---dalawang libro? ah eh, SHEMAY NA MALAMBOT! NALIMUTAN KO! >.< eh basta. huehue. basta more than one book ang THE REVENGE OF MISS NERD. kung alam ninyo ang librong, "I remember the Boy-Bonifacio" na under din sa LIB, ganun daw po kakapal ang isang libro. para syempre, 'di rin mabigat sa bulsa ninyo. 'wag kayo mag-alala, hindi naman talaga siya mabigat sa bulsa. ang ganung kakapal siguro ay magrarange ng 99php-199php tulad ng mga nabibiling libro under ng Pastrybug and LIB. (kung nakabili na kayo nun, subukan niyo pong bumili)

ang paper po ay brownish. 'yung 'di tulad sa ibang books from Wattpad na napublished, hindi po ganun ah. parang kulay pang-international books at amoy libro talaga! (alam ko dahil isa na sa dahilan kung bakit lagi akong bumibili ng libro ng Pastrybug at LIB ay dahil sa amoy nito)

this March po siya mailalabas. una po siyang ilalabas sa Precious Hearts Romances store. 'yung sikat na publishing company na nagpapublish ng mga Tagalog stories. itanong niyo sa mga nanay ninyo kung alam nila 'yun, dahil mga teenager times pa lang nila ay patok na ang PHR books, bawat series pa. basta, ganun. after a week po, mailalabas daw siya sa National Bookstores at Pandayan nationwide. limited copies lang talaga ang ilalabas nila, so please please po, bili po agad kayo ng kopya ninyo dahil hinding hindi kayo magsisisi sa pagbili ninyo.

kung talagang public demand ang magiging kahihinatnan ng TROMN, ay siguro magrereprint muli sila. ito po ang list ng mga malls na mayroong PHR stores:

SM MALL OF ASIA; ground floor, in front of IMAX

SM SAN LAZARO; lower ground floor

SM CALAMBA; 2nd floor

SM CLARK; ground floor

SM ILOILO; lower ground floor

SM CITY DAVAO; 2nd floor, bridgeway

SM NORTH EDSA (KUNG SAAN DITO IDADAOS ANG UNANG BOOK SIGNING EVENT NG LIB WRITERS SA MARCH 1, 2014); 3rd floor, city center

SM TAYTAY; basement 1, bldg. B

SM BAGUIO; 3rd floor

SM DASMARINYAS (WALANG ENYE SA LAPPY KO. WHAHA); lower ground floor

SM BATANGAS; 2nd floor

SM LIPA; ground floor

SM CITY NAGA; 2nd floor

SM MANILA; 5th floor

SM STA. ROSA; 2nd floor

SM. GEN SAN; 2nd floor

SM CITY CEBU; 3rd floor

SM MARILAO; 2nd floor

SM FAIRVIEW; ground floor, near event center

STARMALL; upper ground floor, ALABANG

STARMALL; ground floor, SAN JOSE DEL MONTE, BULACAN

STARMALL; ground floor, Las Pinyas

STARMALL; 2nd floor, EDSA-SHAW

ROBINSONS IMUS; 2nd floor

EVER COMMONWEALTH; ground floor

PUREGOLD PASO DE BLAS

RIVERBANKS MALL; ground floor

MONTALBAN TOWN CENTER (MTC); 2nd floor

PASIG BRANCH; Unit A, Caruncho Ave., Pasig CIty (near Pasig City Hall)

ayan po ang branches ng PHR nationwide. sister company kasi ito ng LIB, kaya pagmamay-ari din nila ang mga libro ng LIB kaya dun una inilalabas.

bili kayo haaa. panalangin nalang natin na sabay sabay mailabas ang TROMN book 1, 2, 3. (THE REVENGE OF MISS NERD PA RIN PO 'YUN, NAHATI LANG TALAGA SA TATLO O DALAWANG LIBRO DAHIL MASYADONG MAHABA) iba pa po ang IMPRINT ON MY HEART, na siyang book talaga ng TROMN. 1st half, 2nd half and 3rd half lang talaga ang una. so, mapapublish din under ng LIB ang IOMH. basahin na po agad dahil pagkatapos na pagkatapos ng IOMH, ipapasa ko agad ang manu para maasikaso na ang pagrelease nito nationwide. siguro sa March ko na 'yun matatapos or April? pag nagkaro'n ako ng mood pahabain pa lalo. HAHAHA! panalangin na rin natin na sana pati ang Dating Mr. Conceited! na nobela ko, ay mapublish. :)

sobrang hectic ang schedules ko, but i'm really doing my best para talaga may mailabas akong update araw araw. please bare with me guys, kung 'yung ibang update ko ay parang mga itlog. hahaha. :3

sa FIRST BOOK SIGNING EVENT ha! punta kayo, sa March 1 na po 'yun, inuulit ko po. sasaglit lang po ako dun dahil prom namin nun kinagabihan na. :/ pero sana pumunta kayo. 'di pa naman nalalabas ang libro ko nun, pero pupunta ako para makabonding ko kayo at syempre, ang mga co-writers ko sa LIB.

add niyo lang ako sa FB, nag-aaccept na uli ako ng FRs dun. pero mas maganda kung ipi-PM niyo ako, 'yung iba kasi walang mutual friends kaya 'di ko inaaccept. kung may mga katanungan, open na open ang MB ko at pwede niyo akong imessage, hindi ako nangiisnob. okay ba 'yun? pwends tayo! *u*

at sana rin, kung mailalabas na ang libro, picture-an niyo ito at itag sa 'kin. sa next book na marerelease ko, isasama ko sa ACKNOWLEDGEMENT lahat ng mga magtatag sa 'kin ng pictures nila with my book. okay ba 'yun? whehe. am i asking too much? mianhe. T^T

so... ano pa ba. ayun nga. kasama rin kami sa MANILA INTERNATIONAL BOOK FAIR na ginaganap yearly sa MOA kasama ang mga ibang publishing companies dito sa Pilipinas. matagal tagal pa 'yun, pero sana makapunta kayo. <3

--

TROMN 1: The Revenge Of Miss Nerd (PUBLISHED BOOK)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora