MPH 24

15.9K 359 84
                                    

CHAPTER 24


Megan

"Magkakilala kayo?" Tanong ni mama samin. Umupo naman si Kris sa tabi ko bago nagsalita.

"Magka school-mate po kami"

"talaga? So sa Alfea University ka rin nag aaral Meg?" Tanong ni Tito Alfred.

Teka lang, hindi pa nag si-sink in sa utak ko ang mga nangyayari. SO MAGING KAPATID KO SI KRIS?!

Holy shit. I never imagine this day would happen.

"Yup" Sabi ko.

"Oh, ok. Akala ko si Kris lang ang bully. Mukhang tong si Megan hindi rin basta basta" Sabi ni Tito.

"Nako. Rebel yang si Megan. Ewan ko ba saan nag mana" Dagdag ni mama.

WOW SA HARAPAN KO PA TALAGA HA? Sayo nga ata ako nagmana ma eh eto si mama talaga.

"Food is here" Sabi nung waiter sabay lapag nang mga pagkain sa mesa. Kaya nagsimula na kaming kumain.

"Ok, so about the wedding, Megan ikaw ang maging maid of honor while Kris is gonna be the Best man. Ok ba?" Pagsisimula ni mom.

Gusto ko sanang itanong kung wala na ba talaga silang pag asa ni asungot, i mean papa, pero sabagay, may anak na nga si papa sa ibang babae na nag ngangalang evilish Natasha, so siguro wala na talagang pag asa. My family is so complicated.

"Ok " Yan lang sinabi ko at nagpatuloy na sa pag kain.

"When will be the wedding?" Tanong ni Kris habang nag slice ng steak niya.

"Soon. Maybe this year. " Sagot naman ni Tito.

"For now yung engagement party muna yung pag aabalahan natin." Dagdag ni mama.

"May ganun pa pala" sabi ko. Shit dapat nga pala magpakabait ako.

Naramdaman ko naman sa ilalim ng mesa na sinipa ako ni mama at dinilatan pa ako ng mata kaya tumahimik nalang ako.

"Meg, pwede ba tayong mag-usap" Biglang bumulong si Kris.

"Uhm..excuse me" Pagpa alam ko sabay tayo. Tumayo naman tong si Kris at sumunod. Nagtataka naman sina mama kaya sinabi namin na mag-uusap lang kami.

Pagdating namin sa terrace, sinimulan ko na yung usapan.

"So your father is Tito Alfred?"

"Obviously" Sabi niya sabay titig sa mga mata ko. Garbe naman makatititg oh! nakaka kilabot tuloy.

"So you're gonna be my sister?" Tanong niya. Mukhang di siya makapaniwala. Excuse me ako din no.

"Sa kasamaang palad, Oo. "

"This is ridiculous" Sabi niya.

"Ano namang nakaka ridiculous? Ha Mr.stuff toy!?"

"Wag mo nga akong tawaging Mr.stuff toy! "

"HAHAHA na iinis kana! ang cute mo mainis Kris!" Sabi ko. Na bigla siya sa sinabi ko.

"D-did u just call me c-cute?! " Tanong niya.

"Oo. Bakit masama bang tawagin kang cute?" Sabi ko sabay halakhak. Pero natigilan ako ng bigla niya akong sinandal sa may pader. Nakatayo kasi kami tapos ako yung nakasandal sa wall.

My Pervert Housemate [ IN REVISION] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن