MPH 5

20.4K 432 32
                                    

Chapter 5

Megan

Eto ako ngayon, nag lalakad lakad kahit saan sa Campus nato. Eh kasi mamaya pa yung klase. Akalain mo, lima lang yung courses na offered dito. Pero yung buong campus ay ten times mas malawak kesa sa school ko noon. Astig diba?

Kaya since mamayang 10:15 pa yung klase, lalakbayin ko muna tong school nato. Napadpad ako sa library, kaso hindi ko type magbasa ng mga libro.

Tapos napadpad ako sa music room. Gusto ko sanang gamitin kaso parang may mga tao sa loob kaya hindi ko nalang tinuloy. 

At may nakita rin akong mga lalaki na nag iinuman sa gilid. Niyaya nga nila ako, kaso wala ako sa mood uminom kaya pass muna.

So since wala akong mahanap na maganda dito, naisipan kong lumabas nalang ng campus since free naman lumabas.

Pag dating ko sa parking lot, nag iisip muna ako kung saan ako pupunta.

Park? 

Mall? 

Coffee shop?

restaurant?

Saan ba ak-

Nagulat ako sa isang malakas na busina ng sasakyan na hindi ko namalayan na andito pala sa harap ko. Ang yabang ng driver na to ha!


"HOY MISS WAG KANG HUMA HARANG SA DAAN! KUNG GUSTO MONG MAGPAKAMATAY WAG DITO!" Sigaw nung lalaki na nag da-drive.


"ABA HINDI AKO NAGPAKAMATAY! BAT HINDI KA MAKATINGIN SA DAAN BULLSHT MUNTIK NA AKONG MAMATAY!" Sigaw ko naman doon.

"Bat ka kasi naka harang eh alam mo naman na nasa harap ka ng entrance!" Napatingin ako sa kina roroonan niya, at damn.

Walangya ka Megan! Di ko namalayan na nasa harap pala ako ng entrance huminto.

Tiningnan ko nang masama yung lalaki. Tapos napansin ko na isa siya doon sa mga lalaking mayayabang at bully na tinutukoy ni Cole. Umirap nalang ako at nagsimula nang tumakbo patungo sa motor ko. 

Pagkatapos kong pumunta sa ice cream shop - Oo, napag isipan ko na bumili ng ice cream kasi mainit.

Ok, bumalik na ako ng campus. 

Pumunta ako sa garden at sakto naman kasi may nakita akong malaking puno kayang naglakad ako patungo dun. Napasandal nalang ako dun habang nila-langhap yung simoy ng hangin, sabay hinga ng maluwag.

Tiningnan ko yung cp ko, at nag text kay Lance. Wala lang, namiss ko siya eh.

To: Lance

I miss you.


Ugh. This is bullshit. Hindi ko talaga alam kong anong mararamdaman ko sa sitwasyon namin ngayon.

"Bat ba kasi aalis ka?! Iiwan mo na lang ako dito." wala naman sigurong masama kung mag sasalita ako dito mag isa diba? Once lang to mangyare kaya sulitin niyo. 

"na iinis ako sayo alam mo yun! Akala ko ba mahal na mahal mo ako tapos ngayon iiwan mo ako! Puta! Bwisit!" 

"Siguro pag aalis kana, may makita kang maganda dun tapos malaman ko nalang na may babae kana dun! Makakapatay talaga ako ng instik!"

"ang drama mo"

"AYKALABAWNANAKAPATUNGSAISDA!!"

Nabigla ako kasi may biglang nag sasalita! Na feel ko na tumalon talaga katawan ko sa gulat!


"Tsk. Tapos ang ingay mo"

Aba! Pinakinggan ko kung saan galing yung boses at parang galing sa kabilang side ng puno.

Tiningnan ko kung may tao, at MERON TALAGA! Nakasandal din ito habang tinakpan yung mukha ng libro. 

"Huy t-teka, n-narinig mo yung m-mga sinasabi k-ko?!" Tinanong ko ito. At tumango lang ito at tinanggal na yung libro sa mukha niya. 

WHAT THE FUCK. Siya yung lalaki na muntik na akong sinagasaan kanina!

"IKAW NA NAMAN!" Sigaw ko dito.

Nagsmirk lang ito sabay sabi ng "Oo ako na naman. Baket may angal?" 

Tsk. Inirapan ko nalang ito at bumalik na sa pwesto ko. Ganito kasi yung pwesto namin

Ako | puno | siya

Tapos pareho kaming nakasandal sa puno.  Gets?

Nung tatayo na ako, bigla din siyang tumayo at may hinagis sakin. Bigla naman akong nataranta at sinalo na yun. Napansin kong clay yung hinagis niya.

"sayo na yan. Minsan yan yung paraan ko para mabawasan ang mga bwisit sa utak ko."  At nagsimula na siyang maglakad.

"Ano namang gagawin ko dito?" Tanong ko. 

"Try mong kainin." At tuluyan na itong naglakad.

Aba nagawa niya pang mag pilosopo. Tsk. 

Since hindi ko alam kung anong gagawin ko dito,kinumot- kumot ko nalang at di nga siya nagkakamali, nakakatanggal stress ito. Kaya nag lakad na ako pabalik sa loob habang hawak at pinaglalaruan yung clay. 

-

VOTE AND COMMENT! Thanks for reading guys! ♥

-revised

My Pervert Housemate [ IN REVISION] Where stories live. Discover now