MPH 11

19.6K 399 1
                                    

CHAPTER 11

Megan 

Nakaboots with matching knee high socks, naka leather jacket at maikling short.

Yan ang suot ko ngayon. I love this outfit dahil napaka comfortable. 

Saan ako pupunta? Edi sa bar. Diba nga nag yaya si Hans na mag bar. So let's go and party! 

Lumabas na ako ng kwarto. Kumain na ako ng dinner sa labas kaya hindi ko na kailangan pang kumain. 

Pero teka, bago ako aalis, iinom muna ako ng tubig kasi na uuhaw ako. 

Pagpunta ko sa kitchen, nakita ko si manang na naghuhugas ng pinggan.  Bakit hindi pa siya umuwi? Gabi na ah. 

"Manang, gabi na bat hindi kapa umuwi?" Tanong ko, concern lang kasi ako kay manang kasi alam mo na, matanda na. Tsaka baka pag uwi niya ngayon i -rape siya sa daan! nako maganda pa naman si manang. 

"Sige hija, sandali nalang to. Ako nalang mag lo- lock sa bahay. mauna kana hija" 

"Eh manang ba't niyo i lock? Asan si Ken?" Bakit ko hinahanap yung haliparot na lalaking yun!

"Ka-aalis lang. mukhang kasama ang mga barkada" Sagot naman ni manang. nilagay ko na sa sink ang baso ko. 

"Oh sige manang alis na ako. Bye" Nagpa alam na ako kay manang at lumabas na ng bahay. Malaki yung tiwala ko kay manang kaya iniwan ko na siya. 

Sumakay lang ako ng taxi papunta sa apartment ni Ella. Sabay na raw kami papunta sa bar. Hindi ko dinala yung motor ko kasi alam kong magagabihan ako at tinatamad akong mag drive.

Dumating na kami ni Ella sa bar after how many minutes. Gosh i miss this! Sa labas palang, maririnig mo na yung music sa loob! 

Pagpasok namin, ang dami nang sumasayaw sa dance floor, may mga teenagers din na nag iinuman. Meron ding andun sa V.I.P.

 Pagtingin namin sa kabilang side, nakita namin si Monica kasama si Cole na kumakaway, kaya lumapit na kami sa kanila.

Cole is here? What a surprise. Akala ko ba ayaw niya sa mga ganitong set-up. 

"Hoy girl! Bat ang tagal mo!" Sabi ni Monica. 

"Natagalan kasi itong si Ella sa pagbibihis eh." Sagot ko naman. Nag cheek to cheek lang kami ni Cole at pinatuloy niya yung pag- iinom niya. 

So ayun, nagsimula na kaming mag inuuman. taray lang tong mga drinks namin kasi, mukhang mamahalin talaga. Galing talaga ni Ella pumili. 

Habang nag kwe-kwentuhan kami, biglang dumaan si Chad sa table namin na may hawak na basong may beer.

Chad is here! If Chad is here then meaning- 

"Hoy! bat kayo nandyan? dali dun tayo sa table namin para masaya! " Bulyaw ni Chad samin.

"Chad, babae kami, lalaki kayo! " Sagot naman ni Cole. Mukhang tipsy na tong babaeng to. 

"Eh sige na! para naman kayong others kung ganyan! Sige na magkaibigan naman tayo diba?" 

"Ayaw nga namin kasi marami pa kaming chismis na sasabihin." Sabi naman ni Ella.

"Chad wag mo nga kaming pipilitin! kung ayaw namin, edi wag!" mukhang na iinis na si Monica. 

My Pervert Housemate [ IN REVISION] Where stories live. Discover now