MPH 15

17.1K 353 20
                                    

CHAPTER 15

Megan

Ganito ba talaga magbonding ang mga lalaki? or sila lang ang ganito?Ang ingay ingay kasi.

Hindi ako makatulog ng maayos kasi rinig na rinig ko yung sigawan nila galing sa baba.

Siguro nanonood sila ng soccer. Kasi may sisigaw ng 'goal'.Malamang boses yun ni Hans.

Tapos nakaka kilabot lang, kasi pag pipikit ako si Ken yung nakikita ko! yung abs niya at tsaka yung pagsasayaw niya kanina sa rooftop! Tangina nakakabaliw yung lalaking yun!  

Kaya since hindi ako makatulog, kinuha ko nalang yung iPad ko at nag twitter.

Habang nag tweet ako ng kahit ano, biglang nag DM si Ella sakin.

Anong problema nitong babaeng to?

[ Girl, nakatira pala kayo ni Ken sa iisang bahay. Ayieee ♥.♥ Bat di mo sinabi? ] 

What? Teka paano niya na nalaman! Nag trending ba dito sa twitter?! Eh hindi naman ah. Ang dali niya talagang makatanggap ng chika. Pambihira tong babaeng to.

[Paano mo nalaman?! ] 

[ Malamang, sa hot at sexy kong bf. Ano kaba girl. ] 

Ay oo nga pala, Boyfriend niya pala yung nag buking sakin. Kainis. 

[ah oo nga pala. eh ano naman ngayon kung kasama ko siya? yayaman ba ako? Tsaka tigilan mo yang 'ayieee' mo. hindi nakakatuwa ] 

Medyo bitter? Eh kasi matagal na akong na iinis sa mga 'ayieee' eh. Kasi baka magka developan. Nako guguho na talaga ang mundo.

[To naman di mabiro. Peace na. Punta ako sa bahay mo bukas ha? pls ] 

Dito? Pupunta siya?

[ K. Matutulog na ako. ] 

At ayun, nag log out na ako at binalik ko na yung iPad ko sa mesa. Ano bang pwedeng gawin? Hindi pa kasi ako makatulog.

Lumabas na nga lang muna ako. Pero hindi ako makiki alam sa kanila ah? Tsaka mukhang alam na ata nila na dito ako nakatira. Pupunta na muna ako sa kusina. 



Ken

"Ah.. So dito na siya nakatira pang samantala?" Pagtatanong ni Chad. 

Tumango ako bilang sagot. Oo sinabi ko na sa kanila na dito nakatira si Meg.

Wala narin akong magagawa kasi nakita na ni Sean ang lahat. Tapos ayokong magsinungaling sa mga barkada ko. 

"Grabe bro! JACKPOT! HAHA" Sabi naman ni Hans at lahat sila nag tawanan. Mga sira tong mga barkada ko. Pasensya na. 

Ah oo nga pala. Andito rin yung mga kaibigan namin sa section brown na nag ngangalang Tim at Xander.  Ewan ko ba dito kay Chad. Kung makapag yaya parang siya yung may ari ng bahay. 

nanonood kami kanina ng soccer. Yun nga, ang ingay-ingay namin. Pero masaya naman.

Habang nakwe-kwentuhan, biglang bumaba si Meg galing sa taas.

To namang mga lalaking to, kung maka tutok, WAGAS.

Paano ba kasi, eh naka ikling shorts lang tapos t-shirt na maluwag.

"Bro, pag ganyan yung makasama ko sa isang bahay, nako baka kinabukasan, may bola nayun sa tiyan" Bulong ni Baron.

Ang bukang bibig talaga ng lalaking to! Walang preno!

Nagtawanan naman sila habang tinapunan ng throw pillow si Baron. 

"Teka mag cr lang ako" Sabi ko sa kanila.

"Bilisan mo ah!" Sagot nila at bumalik na sa kanilang usapan. 

Pumunta na ako sa taas para mag cr. Pagkatapos, habang bumaba na ako ng hagdanan, sinilip ko kung andun pa ba sa kusina si Meg, at andun pa nga. 

Para ngang natutulog eh kasi nakatakip yung mukha niya sa buhok niya. nakaupo lang ito sa bar stool habang may glass ng milk. 

Kaya nilapitan ko ito at umupo sa harapan niya. 

"Psst. Meg" Sabi ko habang pino- poke yung ulo niya. Tinaas niya naman yung ulo niya. 

Tapos yan na naman yung mukha niya na shock na shock. Namumula pa ang mukha nito na titig sakin. 

"Ken! Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. At napatingin pa siya sa sala na nag uusap yung mga kaibigan ko.

"Ba't dito ka natutulog ha?" Pagtatanong ko. Bigla naman siyang tumayo. 

"Uminom lang ako ng tubig. Aalis na ako." Tapos nagsimula na siyang maglakad pabalik sa taas. 

Anong problema nun? Bumalik nalang ako sa sala. 

"Huy! chuma chansing ka na Ken ah!" Sabi ni Hans. 

Pag may nilapitan na babae, chansing agad? di ba pwedeng nagtatanong lang? Hindi ko nalang siya pinansin at umupo na. 

Megan

Bakit ganun? May malakas talagang epekto si Ken sa akin! Para akong matutunaw sa tuwing tinitingnan niya ako. 

Pero hindi ako nagbibiro, ang gwapo pala niya. Lalo na kanina nung kaharap ko siya.

Natameme ako dun! 

ANO BANG NAGYAYARI SAYO MEGAN!? BAT BIGLA KA NALANG NAGKA CRUSH NG KUNG SINO-SINO!?

OK dapat na talaga akong matulog.

Pero bago matulog, mag text muna ako ng goodnight sa lahat. Nababaliw na ako. 

MESSAGE : TO MANY 

Goodnight!

Ang haba ng text ko no? tingnan lang natin kung may rereply ba jan.

Meron nga! Si Jester. Kilala niyo pa si Jester? Yung kaibigan rin namin ni Lance.

From: Jester

[ Meg, pwede ba tayong mag usap bukas? may sasabihin sana ako. ]  

May sasabihin? Ano kaya yun? Nanalo ako sa lotto?!

To: Jester

[Ok. Bukas, pupunta ako sa dating tambayan ]  

Pagkatapos kong mag reply. Nagsimula na akong matulog. 

TAKTE BAT MUKHA NI KEN YUNG LALABAS PAG PIPIKIT AKO! TAPOS MUKHA NA NAMAN AY ESTE ABS NA NAMAN NI KEN ANG MAKIKITA KO KUNG PIPIKIT AKO ULIT.

HINDI ITO PWEDE!! THIS IS ILLEGAL!SWEAR!

Ano ba tong nangyayari sakin? This is not good for my health!

_

VOTE AND COMMENT! thanks ♥

-revised

My Pervert Housemate [ IN REVISION] Where stories live. Discover now