MPH 23

16.6K 307 33
                                    

CHAPTER 23


Megan

Lumabas na ako ng mansion ay este bahay nina Ken. Pinahintay pa niya ako dito sa labas ng bahay nila kasi kukunin niya lang daw yung sasakyan niya.

Nag hihintay ako dito habang nakatayo nang biglang nag ring yung phone ko. Tiningnan ko kung sino, si Monica lang pala. Sinagot ko.

"Hello bitch"

[ Meg nasan ka? kasama mo ba si Ken?]

"Ha? ah oo baket?"

" Tamang tama. Punta kayo dito sa mall pls. "

"HA?! EH ANDITO KAMI SA BARYO NI KEN ANG LAYO "

"Basta malayo man o hindi punta kayo dito like now na. DAPAT KASAMA MO SIYA "

At bago pa ako makasagot inend niya na yung call. Tsk tong babaeng to talaga!

Nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Hindi ko namalayan andito na pala si Ken sa harapan ko.

Nilakasan niya ba naman yung busina nataranta naman ako sa pagtakbo.

"ETO NA! " Sigaw ko. Kainis!

Pagpasok ko sa sasakyan, bigla niyang pina andar!

"TAE NAMAN KEN HINDI PA AKO NAKA SEATBELT!"Sigaw ko. Oo sumigaw talaga ako kahit kami lang dalawa dito sa loob.

Hindi niya ako pinansin pero hininto niya yung sasakyan tapos nagulat ako sa ginawa niya.

Lumapit siya tapos siya yung nagseatbelt sakin. Naamoy ko yung bango ng perfume niya.

Ang lapit ng mukha niya. Isang galaw ko lang mahahalikan ko na ang pisngi niya. Yung puso ko naman hindi ko na alam kung anong bilis ng tibok.

"Sorry" Bulong niya tapos bumalik na sa normal na pwesto. Naka hinga na ako ng maluwag.

Pina andar niya na yung kotse.

"Bat ka nag so sorry?" Tanong ko.

"Kanina. Sa seatbelt." sabi niya. NAG SO SORRY SIYA?! SERYOSO SIYA!?

Hindi ko na yun pinansin at tumingin tingin nalang sa mga kahoy na madadaanan.

Medyo awkward yung atmosphere.

"Hatid na kita sa inyo?" Tanong niya.

Doon ko lang na alala yung sinabi ni Monica.

"Hindi, Punta muna tayo ng Mall" Sabi ko.

"Mall? Mag date tayo?"

"Date ka diyan. Papupuntahin tayo ni Monica dun. Nandoon ata yung barkada. " Sabi ko.

"Ah ok. Eh bat naman tayo pa pupunta- HOY MEG ANONG GINAGAWA MO!?"

Tumayo kasi ako sa kinauupuan ko. Balak kong matulog sa backseat eh.

"BACKSEAT! MATUTULOG!"Sabi ko.

"AY TEKA HUY! WAG MONG APAKAN ANG UPUAN! MADUDUMIHAN!" Sigaw niya habang nagmamaneho.

Jusko naman tong sasakyan niya! ang liit!

"HINDI MADUMI TONG SAPATOS KO SO DONT WORRY"

"SHIT NAMAN!" Reklamo niya. Hindi ko siya pinansin hanggang sa naka higa na ako. Narinig ko pa siyang nagbubulong ng kung ano sa sarili niya.

My Pervert Housemate [ IN REVISION] Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin