MPH 2

27.8K 459 26
                                    

2nd Chapter

Megan

Makalipas ang oras at uwian na. Dali -dali akong pumunta sa parking lot at sumakay na sa motor ko. Isa rin sa rason kung bakit palagi akong naka jeans eh kasi may motor ako. 

Tinext ko na rin si Lance na uuwi na ako kasi pagod ako.

Pagdating ko sa bahay, pinark ko na yung motor ko sa  gilid at pumasok na. Nakita ko si mom na naka upo sa terrace habang umiinom ng juice. Pinuntahan ko ito. 

"Ma! may sasabihin ako!" Sabi ko sa kanya habang palapit ako.

"Oh, what is it my lovely daughter?" 

"Pinapalipat ako ni dad ng school ma!" Sigaw ko, at umupo sa tabi niya. Tinapon ko muna yung bag ko sa may upuan.

"Anak, tigil- tigilan mo nga yang pag sigaw mo! nakakairita. At teka, pinapalipat ka? bakit?"

"Eh kasi dahil sa hinayupak na Natasha nayun!" Sagot ko sabay pout.

"Nak, mas ok narin yan para hindi mo na makita araw- araw yung pagmumukha ng dad mo! asan ka lilipat?" 

"Ma, pati ikaw okay na lilipat ako!? my god ma, sa Alfea ako mag aaral! hello?!" Pagrereklamo ko.

"eh ano ngayon kung sa Alfea? Private parin naman dun diba? tsaka anak, bagay ka doon, kasi wala kang awa." 

Aba pati si mama sinabihan akong walang awa? what the fuck. 

Hindi ko nalang ako nag komento at pumasok na sa loob. Pagpasok ko sa kwarto, diretso akong humiga sa kama. Pagod ako. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako .




Dumaan ang araw at Sunday na. Leche bukas na ako lilipat. Handa narin yung mga papers ko para sa bagong school.

Habang nanood ako ng T.V dito sa kwarto ko, biglang nag vibrate yung phone ko. Pag tingin ko kung sino, Si lance pala.

MESSAGE 

Date tayo, papunta ako sa bahay mo ♥

Ang landi talaga nang lalaking to. Napatawa nalang ako. Pagkatapos ko siyang replayan, Naligo na ako at nag bihis.

Habang naglalagay ako ng mga gamit sa mini sling na dadalhin ko, biglang kumatok yung maid namin.

"Mam, Nasa living room napo si sir Lance" 

"Be there in a sec." Yun lang sinabi ko at lumabas na ako sa kwarto. Pagkalabas ko nagkasabay kami ni mama sa hagdanan.

"Oh anak, saan ka pupunta?" 

"May pupuntahan lang kami ni Lance ma" Sabi ko at tuluyan nang naglakad patungo kay Lance.

"Magandang umaga po tita" Pagbati ni Lance.

"Magandang umaga rin hijo, Oh sge mag ingat kayo sa biyahe." At pumunta na si mama sa kitchen. Lumabas narin kami.

Pagdating namin sa mall, Ang una namin pinuntahan, eh walang iba kung hindi restaurant. Nagugutom ako eh.

Ayun nag kwe-kwentuhan lang kami habang kumakain.

"Hoy ikaw Lance ha, baka pag lipat ko mamba babae kana! baka matulad ka ni Jester! nako Papatayin talaga kita!" Pagbanta ko. Tumawa lang ito sa sinabi ko.

"Ano kaba Meg, hindi yan mangyayari, ako nga dapat yung mag aalala, kasi sabi nila marami daw mga pogi doon. Habulin daw ng mga chiks mga lalaki dun tsk." 

"Eh ano naman kung ganon?Walang mga pogi doon! Kasi nasa harapan ko lang" Sabay smirk ko. Pinisil niya yung ilong ko.

"Nako nako, ang corny mo! HAHA" Sabay tawa niya. Nag pout nalang ako. 

Pagkatapos namin kumain, pumunta kami sa may boutique shop. Nagtitingin lang ako ng mga stuffed toys. Nagpa alam si Lance na mag cr lang at may bibilhin lang daw siya na perfume kaya umalis muna siya.

Habang nagtitingin ako, may nakita akong isang cute stuff toy na piggy. Nang akmang kukunin ko na sana yun, May biglang humablot nito. 

Pagtingala ko kung sino, eh isang lalaki yung kumuha tapos tinitingnan yung stuff toy ng maiigi.

"pwede nato?" Tanong niya sa sarili niya. 

Eh Siraulo pala tong lalaking to eh. Kinakausap ba naman yung sarili.

"Hoy sino ba kausap mo jan? tsaka akin yan!" 

Nang marinig niya ako, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Aba peste siya! Ang gwapo pa naman niya.

"May pangalan mo? ha? asan? "Sabi niya at tuluyan nang pumunta sa counter. Hindi ko nalang siya hinabol kasi wala akong oras sa mga walangyang mga tao. Bullshit.

Lumabas na ako ng boutique at timing din kasi andito na si Lance habang may hawak na shopping bag. 

"Nag shopping ka nang wala ako?!" Pagalit ko na pagsabi. Tumawa lang ito.

"Ano kaba, bumili lang ako ng perfume, tsaka eto. Sayo yan. " Sabi niya sabay bigay sakin yung shopping bag.

Tiningnan ko kung anong laman. Isang dress na Black at converse na kulay pula. Oh shit! I love it! 

"Ang ganda Lance! pero teka, bat mo ako binilhan ng dress eh hindi ko naman type ang mga dress?"

"I dont know i just feel like you'll look great in that dress" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Ayun dahil nasa mood ako, nagpapahawak narin ako. Holding hands kami.

Pagkatapos naming naglalakad sa mall, gabi na kaya napag desisyunan ni Lance na i hatid na ako sa bahay.

Pagdating namin sa bahay, nag uusap muna kami sa gate.

"Gusto mo, ako na mag hahatid sayo bukas?" Pag alok niya.

"Wag na. mag momotor nalang ako. Sige Lance pasok na ako. Ina antok na ako." 

"Sige. baka pagod kana. Goodnight." Sabi niya sabay halik sa forehead ko.

"Goodnight. Salamat neto ha?" Sabi ko habang kinakaway yung shopping bag. Nag smile lang ito at pumasok na sa sasakyan niya.

Pumasok narin ako sa bahay at dumiretso na sa kwarto.

Bukas na ako papasok sa bagong school. Ano kayang mga kababalaghan ang mangyayari? ah basta. Bahala na si Batman .

-

Another Pic of Megan.

VOTE AND COMMENT! Love you guys! ♥

-revised

My Pervert Housemate [ IN REVISION] Where stories live. Discover now