MPH 12

17.2K 389 13
                                    

CHAPTER 12

Megan

Alam niyo, kailangan akong mag enjoy ngayon.

That's right dapat hindi ako magpaka KJ. I should have fun tonight!

Lalo na ngayon na naiinis ako sa isang tao. Ay hindi lang pala isa.

TATLO.

Una si Lance, kasi nga umalis siya ng bansa.

Pangalawa yung step sister ko na nakatira na ngayon sa bahay.

At yung Ken na yon! Hindi ko alam bat nagagalit ako sa kanya. Basta galit ako sa kanya!

Bago pa ako mag drama dito sa harap ng salamin ay lumabas na ako ng cr at bumalik na sa table namin.

"ang tagal mo dun ha! tumatae ka siguro no?" Bati ni Ella sakin. pagbigyan nalang natin kasi parang tipsy na. 

"Hindi. may tumawag kasi kaya napatagal ako." alangan naman sabihin ko na nakaharap lang ako sa salamin. Para akong abnormal kung ganon.

"Ok. sige inuman na! let's start again. Ikaw mauna Meg" sigaw ni Monica.

Hindi mo na kasi maririnig ng maayos kasi super lakas na ng music. 

"Kanina pa tayo nag iinuman tapos si Meg naka ilan pa" Sigaw naman Cole.

Ayoko nang magtalunan pa kaya ininom ko nalang yun na para bang umiinom lang ng tubig.

napa nga-nga naman silang tatlo.

"Oh. Sino masusunod? clockwise tayo" sabi ko.

So ayun, ininom na ni Ella, since siya yung nasa kaliwa ko.

Nagpatuloy lang kaming ganon. Hanggang sa naisipan nila na sumayaw. Kaya wala na akong choice kundi sumabay.

Pagdating sa dance floor, Napansin ko na hindi lang pala kami ang nandito. May mga studyante rin na galing sa PU ( Pacific University )

[ a/n: Pacific University yung past school ni Megan ]

So ayun, nag sasayawan lang kami. Si Cole, ayun para nang tanga na nagsasayaw sa kung sino-sino. 

Si Monica naman, nakikipag- usap dun sa bartender ng bar. Nilalandi niya na ata yung bartender eh.

Tapos si Ella, eto walang magagawa kundi kasayaw ko. Kasi pagsasayaw siya sa iba, titingnan siya ng masama ni Sean.

Hanggang sa lumapit na si Sean samin.

"Ikaw Ella ha. Wag kang makulit." Sabi ni Sean at ayun, binawi niya si Ella at ngayon sila na yung nagsasayaw.

Ako na naman mag isa. Forever alone na talaga ako. 

Bumalik muna ako sa table at uminom. Hmm. Sarap talaga ng whiskey. 

May bigla namang kumilabit sa balikat ko kaya napatingin ako at si- 

"Red?"

Si Red yung classmate ko sa PU. Isa siyang playboy at hina-habol ng mga chiks. Hindi nga kami nagkakasundo neto eh. Kasi hindi ko siya type. Malandi tong lalaking to. 

"Hey Meg. Long time no see" Bati niya sakin sabay smile. 

"Uy long time no see din." 

"Tara, sayaw tayo" Pagyaya niya.

Gusto ko sanang tumanggi, pero parang sumusunod yung katawan ko. Kaya eto nagsasayaw na kami. 

"Mas lalo kang gumanda Meg" Sabi niya sa tenga ko habang nagsasayaw. Sensitive ako pag binubulongan ako sa tenga kaya medyo nailang ako sa ginawa niya.

My Pervert Housemate [ IN REVISION] Where stories live. Discover now