28 - Countdown Begins

5.8K 467 99
                                    


A/N: Bawi-bawi pag may time. Kung gaano kaikli kahapon, napahaba naman po ngayon.

 Kung gaano kaikli kahapon, napahaba naman po ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Photo credit, one of the coves in Zambales. ctto to the source)

Hindi niya alam kung bakit dito siya dinala ng mga paa niya. Halos madaling araw pa nang lumakad siya. Nag-aagaw pa ang liwanag at dilim. Hindi niya namalayan na papaakyat na siya papunta sa tuktok ng burol overlooking yung cove. Kailan ba siya huling nagawi dito? Matagal-tagal na rin. Siguro nakasanayan na. Tulad nang dati kung marami siyang iniisip, dito siya karaniwang pumupunta.

At sino pa ba ang iniisip niya ngayon?

How do you solve a problem like Maine? Ano ba kasi nangyari sa 'yo para maging ganyan ka ka-bitter? Who broke your heart? Ang dami mo na ngang layers, nadagdag pa 'to? Ano ba? Paano kita matutulungan kung di ka mag-oopen?

Ayun, tuloy muntik mawala yung kontrol ko, buti last minute nabawi. Practice? Sinong niloko mo? Practice, practice e ikaw ang kumakabog ang dibdib at nangangatog ang tuhod? Naku Ricardo, mag-hunos dili ka at mukhang nakakalimot ka na. Tandaan mo hanggang sa malayo ka lang.

Pero in fairness, ang bilis nga ng pulso niya. Pareho kaya kami o natatakot lang siya sa 'kin? Haay, isa kang palaisipan Meng!

A/N: Not commenting. Nope, I've said my piece.

"KUYAAAA!"

Boses ni bunso?

"Haaay, hiningal ako. Sabi na nga ba andito ka eh. Hinahanap ka ni Ate Meng kaya sinamahan namin dito. Kasama ko yung mga kalaro ko. Iwan ko na siya ha!"

Nakita niya sa may di kalayuan si Meng na papalapit nga. Bakit dinala pa siya rito? Buti hindi siya nahirapang umakyat.

"Bunso, huwag na kayong lumayo. Diyan na lang kayo maglaro, sabay-sabay na lang tayong bumaba." Mahirap na, wala akong tiwala sa sarili ko ngayon.

"Sige, kuya, doon na lang kami banda para huwag kami maka-istorbo. Alam mo na, yiheee! Kinikilig yan!"

"Huwag kang magulo, baka marinig ka." Tumayo siya para salubungin ang dalaga.

Si Maine din ang nag-ice breaker, para mawala ang pagka-awkward ng nagdaang gabi

"Padating na sila Tita. I didn't know what time you'll be back. Kaya nagpasama ako kay Ryzza para magpaalam. I guess we'll just see each other in Manila before Friday or Saturday as the case maybe. Salamat ulit at pumayag ka. I cannot thank you enough."

"Sure, walang problema. Pahinga ka na lang muna bago tayo bumaba." Medyo hindi pa siya makatingin dahil inabot ng hiya sa ginawa niya kagabi.

A/N: Ngayon ka pa talaga nahiya? Pagkatapos mong... okay continue

Maine can detect his embarrassment so she focused her attention on the cove. "Ang ganda naman ng view! Kitang-kita yung cove. Madalas ka dito?"

"Noong bata oo, pinapanood namin yung mga turistang pumupunta diyan sa cove. Dumalang na nang dumalang ang punta ko habang nagkakaedad. Ngayon, pag may iniisip na lang o kapag may time, pag umuuwi ako dito."

There Was You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon