1 Kayod Kuwarenta-Anyos

14.6K 520 79
                                    

Salamat kay contralto1997 sa pag-suggest ng career/theme for the story, from the design/engineering field naman. Pinawisan po ako, pinawisan ang utak ko :) Disclaimer: the suggestion was made last Nov, hindi pa po namin alam na architect si RFJ (Benjie) sa DTBY.

 Pinawisan po ako, pinawisan ang utak ko :) Disclaimer: the suggestion was made last Nov, hindi pa po namin alam na architect si RFJ (Benjie) sa DTBY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

             Photo credit: Philstar.com (Alden for Habitat for Humanity)

A/N:♪♪To dream, the impossible (dream) ♪♪... to fight, the unbeatable (foe)♪♪

(Wala, naalala ko lang si bossing and his own rendition of Impossible Dream)


May 2015

A/N: Hindi po kayo namamalik-mata at hindi rin tayo nag-time travel. Tama ang basa n'yo, May 2015, two years ago po nagsimula ang ating istorya.

Bago natin ituloy ang nabiting eksena sa Prologue, kilalanin muna natin ang ating mga bida at balikan natin kung paano sila nagkakilala.

Hindi n'yo naitatanong, sa isang engineering firm  sa Ortigas CBD (Central Business District), Pasig City, Philippines nagtatrabaho si Richard Faulkerson Jr., 24-anyos, a.k.a Tisoy, bilang isang  draftsman sa TechPen&Ink, engineering firm at isa sa mga subsidiaries ng isang construction/property development company na itatago natin sa pangalang VM Builders Corp. Mag-aapat na taon na rin siya sa kumpanya.

Hindi siya engineer, hindi pa. Isa siyang dakila at proud draftsman. Hindi niya natapos ang kursong Civil Engineering dahil kinailangan niyang magtrabaho agad para tumulong sa pamilya. Pero hindi ibig sabihin na doon natatapos ang kanyang ambisyon. Maabilidad ang ating binata. At hindi naman sa nagbubuhat ng sariling upuan, may kaguwapuhan pa.

(A/N: friends, take note of the trivia items, may quiz tayo later)


"Tisoy, lunchtime na! Sabay ka na sa amin. Mamaya mo na lang kainin yung baon mo. Bilis, at may ipapakilala kami sa 'yo!" Saglit na sumulyap si Richard sa wall clock. Hindi niya napansin na lunch break na pala kung hindi pa lumapit ang mga ka-team sa workstation niya.

Hindi niya inalis ang mga mata sa kanyang monitor at ipinagpatuloy ang CAD (Computer-Aided Design) drawing na tinatapos niya. "Sige, una na kayo. Deadline nitong structural plan mamayang 5pm."

"Anong deadline sinasabi mo? Hoy Tisoy, magkateam tayo, bukas pa deadline niyan! Sabihin mo, may raket ka na naman mamaya!"

Si Engineer. Eric, ang team lead ni Richard sa mga design bids na ginagawa nila sa kanilang division, na naka-focus sa Condominium Development projects.

"Alam mo naman pala bro eh. Gusto ko lang 'to matapos nang maaga at bukas na ang review ni Chief."

"Pahinga din pag may time, bro. Tandaan mo, 'all work and no play makes John a dull boy.'"

There Was You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon