Prologue

359 31 65
                                    

NAKABIBINGI ang ingay sa loob ng bar. Punong-puno as usual ang Le Sorelle Bar. Iaang bar na puro lamang sa mga babae. Kahit saang sulok may nag-iinuman. Mahaharot na sayaw naman ang mga nagsasayaw sa gitna. Tila may mga sariling mundo ang lahat.

"Cheers mga sis!" sabi ni Jovel. Ang may-ari ng Le Sorelle Bar. Nagsidikit naman ng mga kopita ang mga kasama nito sa isang sulok. Tanging sa kanila lang ang spot na yun.

"Nakakapagod sa ospital. Mukhang ewan yung mga pasyente." napapagod na sabi ni Arjhane. Isang psychologist. "Yung isa ba naman, kausap yung pader. Tinanong ko sino kausap mo? Aba sinagot ako. Eh di yung pader. Bulag ka ba?" kwento nito. Napalaughtrip kami.

"Aba totoo naman eh! Nahahawa ka na sa mga pasyente mo, tang ina!" natatawang komento ni Livea.

"Oo nga. May punto naman yung pasyente mo, Ar." sabi pa ni Berry.

"Nasaan si Shara?" tanong ni Lavi.

"May tinatapos na project."

"Eh si M?" tanong ni Berry. Tinuro ni Jovel ang stage.

"Ayun oh. Rumaraket pa." sabi ni Jovel. Turo nito kay M. Abala sa pagkanta sa stage. Abala kami sa pag-iinuman ng biglang nag beep ang necklace namin. Nagkatinginan naman kaming lahat.

"Let's go." biglang sabi ni M. Tapos na pala itong kumanta. Nagsitayuan naman kami at pumasok sa private office ko. Pero may isang secret passage pa dun. Isang underground na ang pinuntahan namin. Isang maganda at classy na bahay ang nasa ilalim. Kanya-kanya na kami ng upo. Bumukas naman ang pinto.

"Ohh hi Shara! Buti nakahabol ka." sabi ni M na abalang naghahanap ng makakain sa ref.

"May tinapos lang na project ate M. Pero pumunta ako agad ng mareceive ko ang message." sabi nito at umupo na sa sofa.

Isang malaking screen ang nasa pader. Nagseryoso naman kaming lahat. Nag-ilaw ito at isang lalaki na nakatalikod. Madilim sa lugar at tanging ang bibig lang ang nakikita dito.

"Hi girls. Prepare yourselves. You have a new mission to do."

=============

-M.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher.

Date started: March 5 2017.

Date Finished: Isa na naman malaking goodluck! HAHAHAHAHAHAHA!!!

Le Sorelle. (The Anti-crime sorority)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon