C-14.5

2.7K 84 2
                                    

©hapter katorse, continue..

KRISTINE, Ang Batang Ina

"Hinanap kita sa palengke. Sinabi sa'kin n'ong kasamahan mo na nandito ka." Wika ni Nicco kay Kristine, halos magkadikit ang mga ngipin.

"N-Nicco."

"Ganyan ka ba kawalang-konsiyensiya, Tin? Damn you! How could you do this?"

"Hindi ko i-itinuloy, Nicco—"

"Dapat lang! Damn you!" Hinagip nito ang langloob niya na nasa isang tabi at isinuot iyon sa kanya na tila bale-wala lamang. Mabilis ang pagkilos nito, mukhang galit pa rin. Halos nakatigalgal lamang siya, nabibigla sa mga nangyayari.

"Come with me." Mariing utos nito habang hawak-hawak siya sa kamay.

"S-saan tayo—"

"Shut up! You've lost your right to speak." Nang makarating sa labas ay pinagbantaan pa nito ang komadrona. Nakasunod lamang siya rito hanggang sa sasakyan. "Get in!" Singhal nito.

Bagaman nalilito pa rin ay sumunod siya. Pagsakay na pagsakay nito roon ay pinaarangkada kaagad nito iyon. Wala siyang ideya kung saan sila pupunta. Hindi rin niya alam kung  ano ang balak nito.

"Nicco, k-kailangan kong umuwi."

"Para ano? Para maisipan mo na namang ipalaglag ang anak mo?!"

"P-para ihanda ang paninda ko bukas." Nagyuko siya ng ulo. Pakiramdam niya ay ang sama-sama niyang babae upang tangkaing ipalaglag ang anak niya.

"I'm taking you to a place where you can never ever get an abortion. I'm taking you to my place in Manila."

"Pero hindi pwede. Mag-aalala ang itay. Marami akong gagawin. Wala pa silang pang-ulam ngayong gabi."

" 'Wag kang mangatwiran sa 'kin. Naubusan ka na ba ng source of income? I know Kresha's sending you money."

Tumawa siya ng pagak. "Sana nga. Ibalik mo na ako, Nicco. Hindi ako sasama sa'yo. 'Wag kang mag-alala, hindi ako gagawa ng kahit ano para mapahamak ang bata. Bakit ka ba nagkakaganyan? Di ba, sabi mo hindi mo naman anak ito?"

" 'Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan." Nagdikit uli ang mga ngipin nito. " 'Wag mo akong pagsalitaan na para bang ako pa ang may kasalanan. Gusto k-ko lang makatulong."

"Bakit?" Malamyang tanong niya. "Bakit mo tutulungan ang babaeng gumagago sa'yo? Bakit mo tutulungan ang babaeng pakawala?"

"S-sabihin na  lang nating kahit paano, may responsibilidad ako sa inyo. S-sabihin na lang nating kahit paano, may pinagsamahan kami ng kapatid mo."

Mapakla siyang tumawa. "Oo nga naman. Pero hindi ako pwedeng sumama sa'yo kaya ibaba mo na ako rito kung ayaw mo akong ihatid sa amin. Wala pang pagkain ang anak ko. Wala pang gamot ang tatay ko. Ihahanda ko pa ang ititinda ko bukas."

"Dammit! Listen to me—"

"Ikaw ang makinig sa'kin. Hindi ako sasama sa'yo. Walang kasama sina Joey. Hindi pwedeng mag-alala ang itay at baka atakihin na naman siya."

Natigilan ito, mayamaya ay nagtanong. "Kailan inatake ang itay?"

"Noong araw na dapat nagpakita ka pero hindi ko ginawa."

"Dito nalang ako sa kanto. Baka makita ka ng itay, baka mabigla siya."

Aktong bababa si Kristine ng kotse nang agapan ni Nicco ang kanyang braso.

"T-Tin, kamusta na si Joey?"

"Mabuti naman."

"Matatas ba ang grades niya?"

"Siguro kung nakapag-enroll siya." Hindi ito nakapagsalita." Sige. Salamat na lang."

"Tin, i really want to help you." 

"Aaminin kong kailangan ko ng tulong mo. Ilang buwan na lang, hindi na ako makakapagtinda.  Kung dumating na ang oras na 'yon, malaking tulong kung m-makakautang ako sa'yo nang kaunti para sa ospital." Nanliliit man ay sabi niya.

Binuksan nito ang glove compartmemt at may inilabas doong sobre, pagkatapos ay inilabas ang wallet at iniabot ang isang credit card sa kanya. "Here. Max this out. You can have this. I will pay for that monthly. And here, this is really for you." Iniabot naman nito ang sobre.

Hindi na niya binuksan ang sobre. Itinago na lamang niya iyon. "Salamat. Itong credit card mo, hindi ko matatanggap ito."

"Dammit, Tin. Just take it!"

"Tama na itong sobre. Sige." Nakababa na siya bago pa siya nito muling mapigilan.

Nang makauwi ay saka niya binuksan ang sobre. Isang daang lilibuhin ang naroon. Isang malaking tulong na iyon para sa kanila.

Kristine "Ang Batang Ina"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon