C-12.5

2.5K 74 0
                                    

©hapter dose, continue..

Doble-kayod si Kristine nang mga sumunod na linggo.

Nagsimula na ang pasukan at hindi na nga nakapag-enroll ang kanyang anak.

Ang kanyang ama, kahit hindi na naigagalaw ang isang braso ay maayos naman ang kalagayan. Kailangan lamang nito ng mga gamot na abot-langit ang presyo.

Mahigit isang buwan nang tuwing umaga umaga ay inihahatid niya ang mga paninda sa mga scool canteens. Pag-uwi ay nagluluto siya ng merienda. Pagsapit naman ng alas-tres, ilalabas na niya ang plastic na mesa at doon ititinda ang goto, spaghetti, puto, at dinuguan.

Sabado at Linggo ay sa palengke naman ang destinasyon niya. Sa umaga at hapon siya roon.

Wala na siyang mapuwestuhan ngayon sa palengke. Pinaupahan na kasi ni Mae ang dating pwesto niya. Ang akala raw kasi nito ay hindi na siya magtitinda pa kahit kailan. Nagtataka nga ito kung bakit naroon uli siya.

Ang ibang pwesto roon ay may upa at hindi niya makaya ang halaga niyon. Kalimitan ay nagrarasyon na lamang siya sa mga pwesto at inuubos ang paninda sa bangketa.

Sanay siya sa hirap, mas maganda nga para pagod na pagod na siya pag-uwi niya

Tila may napag-usapan sa bahay na hindi nababanggit nang anuman tungkol ky Nicco. Mula nang mangyari ang hindi nito pagsipot sa kasal nila, hindi na nila uli ito napag-usapang mag-ama.

"Anak, ikaw na ang bahalang maghugas ng mga plato, ha? Dadalhin ko lang itong tirang puto sa palengke para makaubos tayo."

"Sige po, 'Nay, ako na ang bahala."

"Anak, naisip kong bukas ay magrarasyon na uli ako ng diyaryo sa palengke." biglang sabi ng kanyang ama.

Muntik na siyang mapaiyak. Hindi na nga nito maigalaw ang isang braso ay nagpipilit pa ring makatulong.

" 'Tay' hindi na ho. Bantayan na lang po ninyo si Joey. Tama na po iyong yelong paninda ninyo."

"Ako'y nahihiya sa iyo, anak. Ang mahal-mahal ng gamot ko. Sana'y makatulong ako kahit paano."

" 'Tay, nakakatulong ho kayo. Nakakatulong kayo. Wag na kayong mag-alala." Hinagkan niya ito at nagmano. "Mauna na ho ako."

"Kaawaan ka ng Diyos, anak."

Tumalikod na kaagad siya upang hindi nito makita ang mga luha niyang nagbabanta na namang pumatak.

Nang makarating sa palengke ay pumuwesto na siya sa bangketa. Ipinatong niya sa isang timba ang kanyang bilaong puno ng kakanin.

Nagpasalamat siya nang maubos kaagad iyon sapagkat bigla siyang nahilo.

Hanggang sa makauwi ay nahihilo siya. Ang hinala niya ay mababa ang dugo niya.

Iyon din ang naging sakit ng kanyag ina noon. Nagpasya siyang bukas din ay dadaan siya sa center upang magpatingin

Ang dalangin niya nang gabing iyon, sana ay hindi siya magkasakit. Hindi maaari.

———

Tulala si Kristine habang nagluluto ng spaghetti. Hindi niya lubos-maisip kung paano nangyaring nabuntis siya kahit gumamit naman ng proteksiyon si Nicco.

Lalong hindi niya maisip kung saan siya kukuha ng perang pantustos sa bata. Higit sa lahat, hindi niya alam kung kakayanin ng puso ng kanyang ama ang kanyang balita.

Parang nais na niyang mamatay. Patung-patong ang problema niya at isang batang wala na namang kikilalaning ama ang huling kailangan niya nang mga sandaling iyon.

"Nanay, kumukulo na po ang tubig."

"Ha?"

"Kumukulo na po, 'Nay. Gusto ninyong ako na lang ang magluto ng noodles? Marunong na po ako."

Hinayaan na lamang niya ito. Habang pinagmamasdan ito ay nais  na naman niyang mapaiyak. Parehong panganay ang magiging anak niya, parehong walang ama.

Ang simple-simple lang naman ng gusto niya sa buhay: isang magandang pamilya lamang. Iyon lang.

Sapat na sakanya na makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang anak, maasikaso nang maigi ang kanyang ama.

Masyado bang mahirap makuha ang ganoong pangarap?

Noong bata siya, kahit hirap sila ay masaya silang pamilya. Naisip niya noon, tama na sa kanya ang ganoong pamilya dahil masaya naman sila.

Habang tumatanda siya, pangarap niyang mabigyan ng mas magandang tahanan ang kanyang mga magulang.

Ngayon, dalagang-ina siya ng dalawang bata. Kawawa naman ang mga anak niya.

Heto ngayon si Joey, ni hindi nag-aaral, paano pa ang isisilang niya?

Dapat sigurong malaman ni Nicco ang lahat. Lulunukin na niya ang pride niya alang-alang sa bata. Hihingi siya ng kaunting suportang pampinansyal sapagkat sadyang hindi na niya kaya iyon nang nag-iisa.

"Nay, luto na po."

"Ha?"

" 'Nay, ayos lang po ba kayo?"

"O-oo, anak. Ako na ang gagawa. Alas-tres na. Painumin mo na ng gamot ang lolo mo."

"Opo."

Diyos ko, sabi Ninyo hindi Ninyo ako bibigyan ng hindi ko kaya. Tulungan po Ninyo ako dahil parang hindi ko na kaya.

Kristine "Ang Batang Ina"Where stories live. Discover now