C - 8

2.3K 64 0
                                    

©hapter otso

~KRISTINE

Tila walang sawa si Nicco sa mga labi ni Kristine.

Naghapunan sila sa labas at nang nasa tapat na sila ng bahay ay ayaw pa siyang pababain nito ng sasakyan. Tila sabik na sabik ito na mapagsolo sila. Nauunawaan naman niya iyon.

Mahigit two weeks na siyang nagtatrabaho sa kompanya nito. Bawat umagang nagigising siya ay sabik siyang makarating sa opisina.

Hindi pala nakakalimot ang puso at lalong hindi ang katawan.

Mas maningning ang kanyang mata ngayon mas malayang napapakawalan niya ang damdamin. Hindi na kasi tutol ang kanyang ama sa pagkakataong iyon.

Ang lahat ng kanyang pangamba tungkol sa relasyon at kay Kresha ay unti-unti na niyang nalilimutan.

Naisip niya, mukhang wala namang balak na bumalik pa sa bansa ang kapatid niya. Isang patunay roon ang hindi nito pagsulat. Alam niya, ilang linggo na lamang at manganganak na ito ngunit wala pa rin itong ibinabalita sa kanila.

Hindi na rin siya nag-aalala rito. Siguro, may mga tao talagang sadyang tulad nito. May mundong hinding-hindi kayang ibahagi maski sa sariling pamilya.

Siguro naman ay susulat din ito kapag nakapanganak na. Sana lang, maayos ang kalagayan nito roon. Nais sana niyang sabihin dito ang nangyayari sa kanila ni Nicco, mas maganda ngang kung makakapagpaalam siya rito, ngunit hindi niya magawa.

Siguro naman ay mauunawaan siya nito kapag nagkita na sila.

Sa kanyang anak naman ay wala rin siyang problema. Kinausap niya ito ng mabuti.

Naitanong niya kung okay lang ba rito kung sakaling may manligaw sa kanya at maging nobyo niya.

Walang sinabi ito kundi: "Wala pong problema, Nanay. Gusto ko nga pong mag-asawa na kayo para magkaroon na ako ng kapatid." Hindi niya sinabi rito ang tunay na kalagayan nila ni Nicco.

Matagal pa siguro ang hihintayin nito kung kapatid ang hanap nito, ngunit sapat na sa kanya na malamang hindi ito magtatampo.

Mukhang nahuhulaan na nito na sila na ni Nicco. Lalong naging malambing ito sa binata at kitang-kita niya ang pagmamahal ni Nicco sa anak niya kahit noon pa.

Tinted ang salamin ng kotse ni Nicco kaya kampante sila roon. Nangingiti lamang siya habang hinahaplos nito ang kanyang braso.

"Wag muna tayong bumaba, please?" paglalambing nito.

"Para kang sira. Nandito na tayo, 'o."

Umungol ito ng protesta, hinalikan siya muli sa mga labi. Mas matagal ang halik na iyon, mas mainit.

"B-baka magtaka ang Itay na hindi pa tayo bumababa." Pabulong niyang sabi.

"Can't we go someplace else, love?"

Napangiti siya. "Nakita na tayo ni Itay." Sumilip siya.

"You're right." Bumuntong hininga ito. "How about we spend the weekend together? Bakasyon. Ano? Okay ba 'yon?"

"Kailan?"

"Aalis tayo ng Friday, Sunday na ang balik natin. How about next week?"

"Nakakahiya naman kay Itay."

"Can't we say it's going to be a business trip? Please?"

Natawa siya, mistulang disisyete anyos uli siya. Dinampian niya ito ng munting halik sa mga labi.

"Sige." Iyon lamang at bumaba na siya.

Sumunod na rin ito sa kanya at inakbayan pa siya. Hindi na sila nag-aalangang umakto nang ganoon. Pagpasok na pagpasok niya sa bahay ay natigilan siya sa paghakbang.

Naroon at tahimik na nakaupo sa sala si Jericho, ang ama ni Joey.

Kristine "Ang Batang Ina"Where stories live. Discover now