C-4

2.9K 85 0
                                    

©hapter kwatro

~KRISTINE~

Isang taon na rin marahil ang nakaraan mula nang huling manood ng sine si Kristine kasama ang kanyang anak. Ganoon na lamang ang tuwa ni Joey nang yayain sila ni Nicco sa mall.

Apat na beses sa isang linggo kung magtungo sa kanila ang binata. Nang malaman nitong tapos na ang eskwela at nanguna si Joey sa klase ay nagyaya itong mamasyal. Pumayag naman siya. Tutal, balak din naman niyang ipasyal ang anak.

Ang kanyang ama ay hindi na sumama. Isang pambatang superhero movie ang palabas at iyon ang kanilang pinanood. Napapagitnaan nila ang kanyang anak na panay kain ng popcorn.

"Nanay, paano nila ginagawa 'yang paglipad?"tanong nito sa kanya.

"May superpowers sila,"bulong dito ni Nicco na narinig niya.

"Hindi, eh. Alam ko naman pong hindi totoo 'yan, eh. Artista po sila, 'di ba?"

Nagkatinginan sila ni Nicco at sabay na natawa. Napakamot sa batok ang binata. "Mamaya ko ipapaliwanag sa'yo. Sige, manood ka na lang muna."

Natahimik na nga ang bata. Dahil kalagitnaan na ng pelikula ang inabutan nila, kalagitnaan din silang lumabas. Dumaan muna sa rest room si Joey at naiwan sila ni Urbing sa pasilyo.

"Matalino talaga si Joey, ano? Manang-mana sa'yo."

"Ako,matalino? Sinuwerte 'kamo si Joey na hindi nag nagmana sa ina."

"Corny mo talaga."

Napahagikgik siya. Bahagya siyang napapitlag nang umakbay ito sa kanya. Ganunpaman ay hinayaan lamang niya ito. May kung anong init na nanunulay sa kanyang katawan. Parang nais niyang humilig sa dibdib nito. Mahigit  isang dekada na ang nakalipas ng may umakbay sa kanya sa loob ng sinehan at ang kanyang isip ay tila nais pang mangarap.

"Ang suwerte siguro ng magiging tatay ni Joey, ano?" Seryosong sabi nito mayamaya, dahilan upang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at mapatingin sa mukha nito. "Totoo. Masuwerte ang lalaking magugustuhan mo."

"N-nicco..."

"You're smart, you're loving, you're kind, you're sweet, and you're very beautiful." bulong nito sa kanya. Nagtayuan yata lahat ng balahibo niya sa katawan.

Isa lamang bang inosenteng papuri iyon? May laman ba iyon? Mahirap tantiyahin si Nicco, lalo na sa mga nangyari sa pagitan nila. Kung may laman ang sinabi nitong iyon, bakit? At paano ang  tamang maging reaksiyon niya?

"S-salamat." Tanging nasambit niya.

Hinigit siya nito palapit dito at itinaas ang kanyang mukha. Napapikit na lamang siya ngunit muling napadilat ng marinig ang tinig ng kanyang anak. Kaagad siyang lumayo kay Nicco.

"Nanay, ayaw ko na pong mag rides. Malaki na po ako para doon. Bilhan na lang po natin ng pasalubong si lolo."wika nito.

"Sigurado ka?" Nakangiting tanong niya rito.

"Opo. Tara na!" Ang kaliwang kamay nito ay iniabot ang kanyang kamay, ang kanan ay ang kay Nicco. Nang mapatingin siya sa binata ay nakita niyang nakatitig lamang ito sa kanyang mukha.

Hindi na bumalik sa normal ang tibok ng kanyang puso.

---

"Nasaan ang Itay?"tanong ni Nicco. Kadarating pa lamang nito sa kanila.

"Umalis kanina pa. Dadalaw raw sa mga pinsan niya sa Bulacan. Baka bukas na 'yon makauwi. Nag-aalala nga ako at baka mapainom doon. Masama sa kanya 'yon."

"Alam mo, masyado kang nag-aalala." Ngumiti ito at lumapit sa kanya. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang dampian nito ng halik ang kanyang mga labi.

"Nicco!"nabiglang bulalas niya.

Ngumisi ito."What?"

"Ha? Ano b-ba'ng ginagawa mo? Ikaw t-talaga." kaagad siyang tumalikod dito at ipinagpatuloy ang paghahalo ng yema.

"Anong ginawa?"anito. Nasa mismong likuran na niya ito at nakaakbay sa kanya. Dahil manipis lamang ang straps ng kanyang duster ay dama ng kanyang balat ang init ng palad nito. "Ito ba?"bulong nito saka dinampian ng mumunting halik ang kanyang batok.

Napasinghap siya at hinarap ito."N-nicco! H-hindi ko g-gusto ang ginagawa mo. B-bakit ka ba nagkakaganyan?"

Nagyuko ito ng ulo. " P-pasensya na, Tin." bumuntong hininga ito. "Sorry"

"O-okay lang."

Tinignan nito ang kanyang mata."Masama bang makaramdam ako ng ganito para sa'yo? Masama bang mabilis ang takbo ng oras para sa'kin? Masama ba 'yon, Tin?" Puno ng pag-aalinlangan ang mukha nito.

"Nicco..."tanging nasambit niya. Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon.

"Hindi ko naman sinadya ito, Tin."

"P-pero mali yata."

Tumango ito. "Siguro nga."

"N-nasa labas si Joey, naglalaro. N-nagkita na ba kayo?"

"Hindi pa. Sige, pupuntahan ko muna." Tumalikod na ito.

Ang isip niya ay mistulang yema na patuloy na hinahalo niya—magulo. Mali na nga ang nadarama niya para ky Nicco, ngunit lalong mali ang nadarama nito para sa kanya. Kahit marahil may katugon anv kanyang damdamin, mali pa rin iyon.

Si Kresha ang unang minahal nito, at kahit pagbali-baligtarin niya ang mundo, mananatiling kapatid niya ito—na sinaktan nang labis si Nicco. Wala pang linaw kay Nicco ang mga pangyayari. Hindi pa nito nalalaman ang panig ni Kresha. Nakakailang kung saka-sakali ang sitwasyon nilang tatlo.

Isa pa, napakabilis nga kung tunay ang nadarama ni Nicco para sa kanya. Baka naman naghahanap lamang ito ng panakip butas. Baka nakikita lamang nito sa kanya ang kapatid niya. Hindi niya alam, magulo ang isip niya.

Nang maluto na ang yema ay isinalin na niya iyon sa isang malinis na tray at hinati-hati. Magkasabay nang dumating sa kusina ang kanyang anak at si Nicco. Hindi siya maka tingin sa binata.

"'Nay, sabi ni Tito Nicco, baka raw gusto natin mamasyal sa Enchanted Kingdom bukas. Pwede naman po, 'Nay, 'di ba? Sige na po. Hindi pa po ako nakakarating doon, eh."

"Nakakahiya kay Tito Nicco mo, Joey. Saka na lang."

"Sa akin, walang problema." ani Nicco.

Nang tignan niya ito ay nakangiti ito sa kanya at marahang tumango na tila inuudyukan siyang pumayag na. Naisip niya, kaya ba niyang makasama ito nang isang buong araw uli? Kunsabagay ay kasama naman nila si Joey.

"O, sige."

"Yes!" nakipag high five pa si Joey sa binata.

Napailing na lamang siya.

.
.
.

~MISAKII

Kristine "Ang Batang Ina"Where stories live. Discover now