C-1.5

3.4K 86 0
                                    

©hapter uno, continue..

~KRISTINE~

"Anak, dagdagan mo naman nang kaunti yan. Aba, mas negosyante ka pa yata kaysa sa akin." Natawa si Kristine sa kanyang anak. Sabado ngayon at katu-katulong niya ito sa paggawa ng paninda.

Kapag sabado at linggo, sa palengke niya itinitinda ang mga kakanin. Nakikipuwesto siya sa isang kakilala.

"Eh, mahal na ang bilihin ngayon, 'di ba, 'Nay? Sabi niyo."

Sabay pa silang napalingon sa bungad ng kusina nang marinig ang tawa ni Nicco. Kasama nito ang kapatid niya. Hindi ito umuwi nang nagdaang gabi at ngayon ay hapon na.

"Tito Nic!" Lumapit kaagad si Joey rito. "Thank you sa Gameboy, ha?"

"Walang problema. Gimme five." Itinaas nito ang kamay na kaagad namang tinampal ni Joey.

"We have some good news," ani Kresha. Itinaas nito ang kaliwang kamay. Naka suot ito ng isang singsing na my nag ni-ningning na bato sa gitna. "Ikakasal na kami!"

Napaawang ang kanyang mga labi. Hindi siya makapaniwala, lalo na sa ekspresyon nang mukha ni Kresha. Wala siyang nabasa roon na kahit kaunting pagsisisi. Parang tuwang-tuwa talaga ito. Sabagay, bakit nga ba naman hindi? Perpekto yata si Nicco. Wala pa siyang nakikilalang lalaking tulad nito.

"O, natulala ka yata?" Ani Nicco, ngiting-ngiti. "Alam kong mabilis pero matagal naman na kaming magkakilala ni Kresha. Parang ni-revive lang namin 'yong kami two years ago."

Napatangu-tango na lang siya. "C-congrats."

"Magiging tunay na tito na kita, tito Nic?" Hirit ni Joey.

"Yup! Gimme a hug. Halika, bilis!"

Lumapit uli rito ang kanyang anak at niyakap ito. Nang balingan niya ng tingin si Kresha ay blanko ang ekspresyon ng mukha nito. Nagkibit-balikat ito sa kanya.

"Hipag?" Wika sa kanya ni Nicco, nakalahad ang kamay.

Napangiti siya. Wala yatang sinuman ang hindi mapapangiti kapag nakangiti ito. Bakas ang kasiyahan sa mukha nito.

Nang lumapit siya rito ay inabot niya ang kamay nito.

"Oh, what the heck!" hinigit siya nito at niyakap. Ganoon na lamang ang pagtambol ng kanyang dibdib.  Bago pa niya pagalitan ang sarili ay kumalas na ito sa kanya. "We're now a family. Nasaan ang itay?"

"L-Lumabas lang saglit, may bibilhin daw."

"Honey, I will just change, okay?" wika rito ni Kresha.

"We need to buy you some maternity dresses,love."

Para sa babaeng ipinagbubuntis ang anak ng iba? nais niyang sabihin ngunit alam niyang wala siyang karapatang makialam. Buhay iyon ng kanyang kapatid at nakokonsiyensiya man siya ay wala siyang magagawa.
Napabuntong-hininga na lamang siya.

"O, para saan 'yon?" Tanong ni Nicco.

"H-ha?"

"Wag kang mag-alala, okay? Hindi mawawala sa 'yo ang kapatid mo. Aalagaan ko siya. Alam mo namang mahal na mahal ko siya eh. Totoo 'yan."

Wala siyang maisip na itugon kaya tumango na lamang siya.

"Sa susunod na buwan na ang kasal," sabi pa nito. "Sabi ko nga kahit bukas, kaso ayoko rin namang madaliin para kahit simple, maganda naman ang ceremonya. I want the best for your sister. Civil muna, pero sa territorio gagawin."

"Ah." Napatangu-tango siya. Narinig na niya ang lugar na iyon. "A-anong petsa ba?"

"Sa twenty-two. Dapat nandoon kayo ni Joey, ha?"

"O-oo naman." Binalingan niya ang kanyang anak. "Tapos ka na ba, anak?"

"Opo,'Nay. Sasama ako sa inyo, ha?"

"Baka gabihin na ako, maiwan ka na rito. Maglaro ka na lang muna ng Gameboy."

"Kaya na ninyo kahit wala ako?"

Natawa naman si Nicco sa tanong ni Joey. Maging siya ay napangiti. "Oo naman. Sabihin mo kay Lolo, ipiprito na lang niya 'yong daing, ha? Initin na lang ninyo iyong bulanglang. Bantayan mo si Lolo mo ng mabuti anak, ha?"

"Opo, Nanay."

"Sige, Nicco, mauna na ako."

"Ihahatid na kita. Marami yata 'yang dala mo."

"Hindi na. Baka dumating ang itay, magandang masabi na ninyo sa kanya ang balita."

"Okay. Ingat ka, Tin."

Hinagkan niya sa noo ang kanyang anak, saka tumalikod. Halos wala sa paglalakad ang isip niya.

.
.
.
⭐MISAKII⭐

#VOTE

Kristine "Ang Batang Ina"Where stories live. Discover now