C-5.5

2.5K 75 0
                                    

©hapter singko, continue..

~KRISTINE

Ipinagpaalaman pa si Kristine ni Nicco sa kanyang ama at anak na labis namang ikinatuwa niya.

Ang isinuot niya ay isa sa mga biniling damit sa kanya ni Kresha para sana sa wedding ceremony nitong hindi na tuloy.

Iyon lamang ang sa tingin niya ay nababagay na isuot niya. Papasa iyong kaswal o porma.

Simpleng-simple lamang iyon. Kulay pink dress na abot sa itaas ng kanyang tuhod at spaghetti strapped. May binili ring sandal ang kapatid nito sa kanya na para sana sa kasal nito. May kataasan nga lang ang takong.

Ang mahabang buhok niya na kadalasan ay nakalugay lang ay naka ponytail. Isang lace ang ginamit niya roon. Kaunting polbo at manipis na lipstick lamang ang kanyang nilagay sa mukha.

"Nanay, ang ganda mo ngayon. Hindi ka mukhang nanay." bulong sa kanya ni Joey. Natawa tuloy siya. Hinagkan niya ito, nagmano sa kanya ama at tumuloy na sila ni Nicco.

"You look stunning." Anito habang patungo na sila sa kotse.

"Salamat."

"I'm on a date with the prettiest woman ni town."

"Sobra na 'yan.".

"It's true."

Napailing na lang siya pero nakangiti naman.

Pasipul-sipol pa ito habang nasa sasakyan sila.  Nang makarating sila sa kanilang pupuntahan ay maaga pa kaya nagyaya muna itong mag ikut-ikot sila sa Robinsons Mall. Pumayag naman siya.

Ang daming binili nito para sa kanya. Mga damit, pasalubong sa mga naiwan sa bahay, binilhan pa nga siya ng sapatos. Panay ang tanggi niya ngunit masyadong mapilit ito.

"Nakakahiya na ito, Nicco. Hindi ako komportable sa ganito." Wika niya ngunit patuloy pa rin ito sa pagbili ng kung anu-ano para sa kanya.

"This makes me happy, Tin. Please, just take them, okay?"

"O-okay." nahihiya man ay sabi na lamang niya. Nang huminto ito sa tapat ng isang jewelry store ay kaagad na niyang hinila ito paalis. Natawa ito sa kanya.

"What?" anito.

"Iiwan kita rito kapag binilhan mo ako ng galing doon." nakasimangot  na siya.

"Okay, okay! Hey, don't pout. Your lips look so cute pouting like that, I might end up kissing you here." Naging mapanudyo ang pagkakangiti nito.

"Loko ka talaga."

Muling natawa ito, saka inakbayan siya. Nag ikut-ikot pa sila roon. Mayamaya ay nagbalik na sila sa kotse. Alas-otso na. Marami ng tao sa restaurant na pinuntahan nila.

Maliit lamang ang lugar ngunit maganda naman. Hindi pala iyon pormal na pormal na sa tingin niya ay mas gusto niya. Tiyak na maiilang siya kung dinala siya nito sa restaurant na sobrang gara.

Hinayaan na lamang niyang ito na ang um-order para sa kanya. Mayroon silang red wine habang hindi pa dumarating ang pagkain.

"This is one of my favorite restaurant. How do you find the place?"

"Maganda."

"Ang how do you find your date?"

"Gwapo?"

Natawa ito."Marunong ka rin palang mambola."

Ngumiti na lamang siya. Syempre ay nakakahiyang sabihin na hindi bola iyon. Naka-puti, asul ang suot nitong long sleeved polo na nakatupi hanggang sa siko nito.

Ito ang tipong lalaking hindi na kailangan pang magsuot ng kung anu-ano pang burloloy sa katawan. Tanging relo lamang ang suot nito na mukhang mamahalin. At siya ang ka date nito.

Masayang nagkuwento ito ng tungkol sa kung anu-anong bagay. Nag kwento rin ito tungkol sa mga kaibigan nito. Nasorpresa siya nang malaman niya kung sinu-sino ang mga kaibigan nito.

May ari ito ng isa sa mga sikat na kumpanya, akala niya ay employee lang ito doon.

Natuklasan niyang napakaraming bagay pala tungkol dito ang hindi nabanggit sa kanila ni Kresha. At alam niyang alam lahat iyon ng kanyang kapatid. Kung bakit hindi nito ibinida ay hindi niya alam.

Minsan ganoon talaga ang kanyang kapatid, tila sila mga estranghero lamang na naligaw sa buhay nito.

Hindi niya ipinahalata  sa binata na nabigla siya sa mga impormasyong nalaman. Nahihiya parin siya kahit papano. Ang mga ganoong bagay ay dapat na alam niya lalo't muntik na niyang maging bayaw ito.

Kaswal lamang ang pagkakabanggit nito sa mga iyon, hindi nagyayabang, nasasalaysay lamang. Mukhang mahal na mahal nito ang mga kaibigan at sa pagkaka-kwento nito, tila masayang kasama ang mga iyon.

Noon din lamang niya nalaman, na ang lalaki palang tumutulong sa kanyang maghugas ng pinggan, ang lalaki palang nakikipaglaro palagi sa kanyang anak, ang lalaki palang nakikinig sa mga sinaunang kwento ng kanyang ama, ang lalaking nagyaya ngayon sa kanyang lumabas, ay isa sa mga pinakamayaman sa Pilipinas.

Masyadong maraming aspeto ang personalidad nito. Mas lalo siyang nahiya rito ng malaman niya na hindi pala basta-basta ibang tao ito.

"Tuwing umaga ay nasa opisina ka lang?" tanong niya rito.

"Oo. Minsan nagkakarpintero." Tumawa ito. "Sana maipakita ko sa'yo ang mga gawa ko."

"Gusto kong makita."

"Minsan, ipapakita ko sa'yo."

Dumating na ang pagkain nila. Nagkwentuhan pa rin sila habang kumakain. Hindi na yata nawawala ang pagkakangiti sa kanyang mga labi.

Nang matapos ang hapunan ay uminom pa sila ng wine doon.

"If you don't mind, Tin. Where's Joey's father? That's if it's okay."

"Si Jeric?" Napatango siya. "Okay lang. Matagal na panahon na 'yon. Seventeen ako, eighteen siya. Nagkakilala kami sa FEU. Doon ako nag-aral. First year. Second semester, nabuo si Joey. Siya naman, nawala na."

"Nawala na?"

"Umalis, hindi na nagpakita kahit kailan. Walang iniwang rason."

"What a moron. I mean, no offense."

"Okay lang. Pareho kayo ng sinabi ni Itay." Napangiti siya. "Kawalan din niya. Ang tali-talino ni Joey, mabait pa."

"Ang his mother is one of the best people I know."

Bigla ay namula ang kanyang mga pisngi. Lumawak naman ang pagkakangiti nito.

Mayamaya ay kinuha na nito ang bill at niyaya siya sa isang bar.

Naisip niya, kung isang dekada pala ang kailangan hintayin kapalit ng isang Nicco, sulit ang paghihintay niya.

.
.
.
---

~Misakii #Vote!

Kristine "Ang Batang Ina"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora