C-7.5

2.3K 65 2
                                    

©hapter syete, continue

~KRISTINE

Namangha si Kristine nang makapasok na sa opisina, ang kompanyang pinamamahalaan ni Nicco.

Ang buong akala niya, nang sabihin nito na naroon ang din ang showroom ay isang palapag
lamang iyon at mga furniture lamang ang kanyang makikita. Pero nagkamali siya.

Mataas ang gusali niyon sa Makati. Ilang palapag ang showroom.  Sa isang palapag ay naroon ang ilang kitchen models na kompleto sa gamit. Mistulang kusina talaga, sampung magkakaibang kusina sa iisang palapag.

"Hindi ka yata nagsasalita?" biglang tanong nito sa kanya.

"H-ha? Ano..." Nalulula lang ako. "Natutuwa lang ako. Ikaw lahat ang gumawa ng mga 'yan?"

Natawa ito."Of course not. I hire proffesionals too. Fifty percent lang siguro ang idea ko riyan o baka wala pa."

Napatangu-tango siya. Dinala siya nito sa ikalabing-apat na palapag kung saan naroon ang opisina nito at ang kanyang magiging pwesto.

Computer Science ang kinuha niyang kurso noon ngunit ngayon ay tila hindi na niya matandaan kung paano gumamit ng computer.

Nahihiya naman siyang sabihin iyon dito at nagpasyang mamaya ay dadaan siya sa National Book Store upang bumili ng libro tungkol sa computer. Nanliliit na siya.

Ipinakilala siya nito sa sekretarya nitong si Trisha. Mukha namang mabait ito. Iniwan na siya rito ni Nicco.

"Personal mong kakilala si Sir?" tanong nito sa kanya.

"O-oo."

"Mabait siya, 'no?"

"Sobra."

Inabutan siya nito ng isang papel, ang sabi ay sagutan daw niya. Impormasyon daw iyon na ibibigay nito sa HRD.

Nang tingnan nito ang papel ay biglang kumunot ang noo nito. Naging maagap naman siya.

"M-mabilis naman akong matuto, Trisha."

" 'Mendoza' ang apelyido mo?" anito. "Kakilala mo ba si Kresha Mendoza?"

"O-oo, kapatid ko siya."

Bahagyang napaawang ang nga labi nito. "I see, w-well..." Hinawakan nito ang magkabilang kamay niya. "Pasensya ka na sa'kin, medyo tsismosa talaga ako. Nagulat lang ako. Anyway, desisyon ni Boss ito. Halika." Itinuro nito sa kanya ang kanyang gagawin.

Puro pagta-type lang naman iyon. Mabuti na lamang at mabilis pa rin siya. Nangunguna siya noon sa typing class niya.

---

Nang mag lunch break ay sabay silang kumain ni Nicco sa opisina nito.

"Okay naman ba ang trabaho mo?" tanong nito.

"Okay naman. Salamat, ha?"

"Tigilan mo na 'yang kapapasalamat mo sa 'kin, okay?" Tinabihan siya nito. "Now, eat some more."

Napakalambing nito sa kanya. Bawat sandali yata ay lalong nahuhulog ang loob niya rito. Pagkatapos nilang kumain ay ito pa ang kumuha ng kape at pumuwesto sila sa couch.

"Thank you."

"Para saan?" tanong niya.

"Na pumayag ka. I always want to be with you, I always want to see you."

"Ikaw t-talaga." Ganoon na lamang ang paglakas ng tibok ng puso niya.

"Totoo. I actually believe there's something that brough us together." Tumitig ito sa kanyang mga mata." Tin, I think I'm falling in love with you."

Hindi kaagad nakapagsalita si Kristine. Naluluha siya na hindi niya maunawaan. Halos hindi siya makapaniwala sa nangyayari.

Mayamaya ay hinaplos nito ang kanyang pisngi.

"Say something, please. Anything." Pakiusap nito. "Kakasabi ko lang na mahal kita. Magsalita ka naman, 'o." Ngumiti ito sa kanya at hinagkan siya sa noo.

Ang dami-dami niyang gustong sabihin, gusto din niyang magtanong. Sa huli, wala siyang nagawa kundi tumitig din sa mga matang iyon na tila nakikiusap sa kanya.

"M-Mahal din kita, Nicco." tanging nasabi niya. Buong puso iyon, umaapaw sa kaligayahan.

Idinikit nito ang noo nito sa kanyang noo, nakapikit. "Thank God... You made me so happy. Can you say that again? Please?"

"Mahal kita." Nakangiti nang sabi niya.

"And again, please?"

Natawa siya at napapangiti. "Mahal kita, Nicco."

"You have no idea how much that made me happy. I will do everything for you."

Mga pangako. May nagsabi na rin sa kanya ng mga ganoon at tulad ngayon, lahat ng iyon ay pinaniwalaan niya. Ngunit alam niya, iba na sa pagkakataong ito.

Noon, ang sabi sa kanya ng ama ni Joey ay mahal na mahal siya nito, ngunit nawala ang pagmamahal na iyon nang malamang buntis siya.

Noon, ang sabi pa ni Jericho ay haharapin nila ang mundo nang buong tapang kahit mga bata pa sila at tutol ang kanyang ama na makipagrelasyon siya.

Nasan ang tapang nang mabahag ang buntot nitong panagutan siya?

Lahat ng mga pangako nito ay puro paasa lang. Pero alam niya hindi si Nicco. Alam niyang iba ito kay Jericho. Buo ang pagtitiwala niya rito. At wala na yatang mas maligayang babae sa kanya ng mga sandaling iyon.

"Sabihin mo naman sa 'kin, Nicco." parang batang hiling niya rito, nakadikit parin ang noo nito sa kanyang noo.

"Mahal k-kita. At lahat ng hindi mo naiisip na mangyayari sa'yo,gagawin ko."

"Hindi ko hinihiling 'yon."

"Pero ibibigay ko."

Napatingin siya rito. Sa ilang sandali ay kinabahan siya, nagduda.

Saglit na nawala ang lambing sa mga matang iyon at napalitan ng sa tingin niya ay galit, matalim na sulyap. Ngunit sandaling-sandali lamang iyon na sa tingin niya ay dinaya lamang siya ng mga mata niya.

"Si K-Kresha?"

"Minahal ko siya. Alam kong komplikado pa rin ang sitwasyon natin pero ikaw na ang mahal ko ngayon. Naniniwala ka ba sa 'kin?"

"Oo."

"Good. Sometimes, it's best if we can go back and change those mistake we did,  don't you think so? Pero nangyari na ang mga bagay na 'yon. All we can do is go on. Move on towards better things."

Tumango siya. Ngumiti ito sa kanya.

"Now, will you be nice and kiss your new boyfriend?"

Nakagat niya ang ibabang labi, saka tumango. Pumikit siya, pagkatapos ay inilapit ang labi niya sa mga labi nito.

Mayroon ngang ikalawang glorya.

.
.
.

---

#Vote/Comment/share!

Kristine "Ang Batang Ina"Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt