C - 14

2.6K 72 0
                                    

©hapter katorse

KRISTINE, Ang Batang Ina

"Tulala ka na naman." Puna kay Kristine ng kasamahan niya sa bangketa, si Vilma. Kasing edad niya ito ngunit mas mukhang matanda ito sa kanya nang ilang taon. Malaki rin ang pangagatawan nito. Pito na ang anak nito at nagtitinda ng nga tumpok na kamatis, sibuyas at kung anu-ano pa.

"Ha?" Sambit niya.

"May problema ka ba?"

"Lahat naman tayo may problema."

"Hindi ka naman ganyan dati. Ano ba 'yon?"

"Vilma, ano'ng gagawin mo sakaling mabuntis ka uli at alam mong wala ka namang maipapakain sa anak mo?"

Nagkibit balikat ito. " 'Yong pangwalo ko sana, pinaalis ko."

"Pinaalis?"

"Oo. Pinahilot ko. Pati 'yong pangsiyam ko sana. Pero 'yong isang 'yon, sa doctor 'yon. Komadrona ba. Midwife. Ngayon, wala na akong problema, tali na ako. Buntis ka ba?"

"O-Oo."

"At walang ama?"

"W-wala eh."

"Mahusay 'yong komadrona ko. Kung gusto mo, sasamahan kita."

"H-Hindi ka ba nakonsiyensiya?"

"Syempre, nakonsiyensiya. Anak ko 'yon eh. Pero wala eh. Ito ngang pito lang, eh halos magdildil na kami ng asin. Dalawa pa lang ang nag-aaral kong anak pero mukhang hindi na aabot ng grade three pareho. Ganoon talaga ang buhay." Muling nagkibit balikat ito.

Natahimik siya. Aaminin niyang isa sa mga pinagpipilian niya ay ipalaglag ang bata. Kawawa lang iyon kapag isinilang na. Ang tulirong isip niya ang nagpasya noon mismong mga sandaling iyon.

"Vilma, pwede bang sabihin mo sa'kin kung saan ang bahay n'ong komadrona?"

"Sasamahan na kita kung gusto mo."

"Ako na lang."

"Ikaw ang bahala." Inilista nito ang address niyon.

"Ilang buwan na ba 'yan?"

"Dalawa na ho siguro." Tugon ni Kristine sa komadrona. Maliit lamang ang bahay nito ngunit tila klinika ang isang bahagi iyon. Sa labas pa nga ng bahay ay may karatula na nagpapaanak ito.

"Sigurado ka na bang ipapatanggal mo?"

"O-oho."

"May gamot ako rito. Isa, ilalagay sa puwerta, isa, iinumin mo."

Tumango na lamang siya at nag-abot dito ng pera. Inanyayahan na siya nito sa loob ng klinika. May isang kama roon na may stirrups. May mga gamit din doon na pang-ospital.

Habang nakahiga roon ay lumitaw sa isip niya ang mukha ni Nicco. Pilit na pinalis niya iyon sa kanyang isip. Pilit na pinalitan naman niya iyon ng imahe ng isang batang gusgusin at lumalaboy sa kalye.

Ngunit patuloy na nakikita niya ang mukha ng ama ng bata.

"Relax ka lang." Wika ng komadrona.

Bigla siyang napabangon. "Hindi po."

"Ano?"

Napaiyak siya. "A-ayoko pong ipatanggal."

"Sigurado ka?"

Panay ang tango niya habang kinikilabutan. Iniwan na siya roon ng komadrona na tila nakakaunawa sa kanyang sitwasyon. Iyak lamang siya ng iyak doon. Panay ang hingi niya ng paumanhin sa batang nasa sinapupunan niya.

Noon biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Nicco, madilim ang mukha.

Kristine "Ang Batang Ina"Where stories live. Discover now