Chapter 24: Holly

137 11 1
                                    


V's P.O.V.

Sa bahay na rin nag almusal si Jimin dahil ngpahatid ako sa kanya dahil may dala syang sasakyan.

Tuwang-tuwa sila Mama at Papa kay Jimin dahil nga mapag-biro ito at malapit talaga sya sa mga magulang ko dahil magkakaibigan ang mga parents namin.

"Are you sure iho, you won't stay for lunch?"

"Yes Tita. Thank you po sa masarap na breakfast."

"You're always welcome, Jimin. At isa pa ikamusta mo na rin kami ni Tito Miguel mo sa Mommy Sophie at Daddy Marcky mo, okay?"

"Sure Tita." Ani Jimin at bumeso pa kay Mama. "Tito Migs, una na po ako."

"Okay. Ingat sa pagda-drive ha? Regards mo ako kay Marcky."

"It's a sure thing po." Sagot ni Jimin at sinamahan ko na sya palabas ng bahay.

"Good morning, V-- and Jimin?" Bati ni Sophie sa 'min na kakalabas lang din ng gate nila dala ang aso nya.

"Beautiful morning too! Ang cute naman nyang aso mo? Ano name?" Masayang tanong ni Jimin kahit tinatahulan sya nito.

"Holly." Sagot naman ni Haru at nag usap na sila.

"You'll take a walk with Holly?" Tanong ni Jimin at tumango naman si Haru. "Would you mind if I join you?"

"No, I won't." Sagot ni Haru sabay tingin sa 'kin. "Let's go?" Dagdag nya pa.

Tiningnan ako ni Jimin. Humikab ako at nag kunwaring inaantok pa kaya nagpaalam nalang ako sa kanila at nag sabing matutulog ulit ako.

Nginitian ako ni Jimin at  nag okay sign pa. Tsk.

Bahala silang dalawa. Bwisit! Sana kagatin ni Holly si Jimin.

Tsk. Bwisit talaga!

"Oh anak! Nakasimangot ka, what's wrong?" Tanong ni Mama.

"Wala po. Inaantok lang po ako." Sagot ko naman at humalik sa pisngi nya't tumuloy na sa taas.

Sinundan ko ng tingin sina Haru at napatawa ako bigla ng hinahabol na ni Holly si Jimin. Hahahaha.

Naputol lang tawa ko ng  mag-beep ang cellphone ko. Si RM pala.

From: RM
5PM. Underground. Looser SGG2.0 wants a rematch.

Like seriously? What's with those punks? Hindi ko pa nga alam kung anong rason ng paghahamon nila kanina, bago na naman. Tsk.

Haaaay. Kailangan ko talagang matulog para may lakas ako mamaya.

Pero bago ako dumiretso sa kama ko, tiningnan ko ulit sina Haru..

At hindi ko nagustuhan ang nakita ko.

Si Jimin.. Hinalikan si Haru sa kamay.

Hindi ko namalayan pero nakakuyom na pala ang mga kamay ko. At ano itong nararamdaman ko?

Galit?

Poot?

Selos?


SELOS??

Gayshit!

I'm not gay! I'm not inlove with my best friend!

I'm not in love with Jimin!!

This Weird Nerd is a Gangster Too (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon