Chapter 3: Love is..

512 21 3
                                    

"What is Love? Bow." Tawanan kami ng mga kaklase ko sa ginawa ni Hope, pati ba naman ang Bow ay itinula.

"Class, listen." Saway sa 'min ni Mrs. Simon at ibinalik na naming lahat ang atensyon kay Hope.

"Love is a flower to the butterflies, honey to the bees and you to me.."

"Hahahaha! Korni boy!"

"Itigil mo na yang kalokokohan na yan!"

"Pa-hopya ka nalang, Hope!" Kantyaw ng mga kaklase ko sa kanya.

"Tahimik na muna kasi fans!" Saway ni Hope sa 'min.

"Come on Mr. Garcia, continue." Mrs. Simon said.

"But I'm done Maam."

"That's it Mr. Garcia?" Tumango tango si Hope at napa-iling naman si Mrs. Simon. "Alright, go to your seat. Next?"

Nagtaas ng kamay si Suga. "Yes, Mr. Adams, come to the front."

"I don't give a shit." Ang sabi ni Sugar, nag-bow at umupo na ulit.

"William Louis Sugar Adams III!!"

"Swag."

*Krriingg

Saved by the bell.

Nagtatawanan pa rin ang mga kaklase namin dahil sa ginawa ni Suga. Buti hindi sya bumabagsak sa pinag gagawa nya no? Haha. Pero seryoso, matalino si Suga tamad nga lang gumawa ng mga homeworks at project unless by group, tumutulong sya, nakikisama. Pero perfect nya lagi mga exam at quizzes. Kaya bawi din sa katamaran nya.

"Yes! Physics na!" Sigaw bigla ni RM. idol nya kasi si Ms. Figuracion, nasa 40 years old na ito pero ang cool pa rin magturo.

"Brain Monster." Sabi ni Jun.

"JunCookie Monster." Sabi naman ni RM kay Jun at nag-asaran na sila.

"Ah, Jin.." Biglang lumapit si Ana, kaklase namin at may inabot sa kanya sabay takbo at bumalik sa upuan nya. Tiningnan naman ito ni Jin at bumalik na sa pagdo-drawing.

"Iba ka talaga, 'pre. Gwapo mo." Sabi ni Jimin sa kanya.

"Alam ko."

"Boom basag!" Asar ko kay Jimin at nagsitwanan na naman kami.

"Tahimik na, paparating na si Ms. Figuracion." Ani RM at nagsitahimik nga kami.

"Morning class!" Bungad ni Maam pagkadating sa classroom.

"Morning Miss!" Bati din namin at nag-lesson na si Maam about acceleration.

"Woah! Gutom na ako!" Sigaw ni Jin.

"Lagi naman eh." Banat naman ni Hope at nagbatukan pa silang dalawa. Syempre nakasali kami.

Syempre pila agad at bili ng pagkain pagka-dating ng cafeteria, lamon na!

"Akin yan eh!" Sigaw ko kay Jimin dahil nangunguha na naman sya ng pagkain. "PG talaga nito."

"Oo nga, PG mo talaga!" Sabat ni Jun at binato nya ito ng Coke Mismo pero umilag ito.

*Bam

"Fuck!" Mura ni Sugar dahil sya ang natamaan. "Fuck Jimin!!"

At tumakbo na si Jimin. Takot nalang nya kay Sugar, kahit nga si RM na leader namin 'di ma-alaska si Sugar eh.

"Aaaahhhh!!" Sigaw ni Jimin ng mahuli sya ni Sugar at piningot.

This Weird Nerd is a Gangster Too (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon