"Ang ingay mo. Mabuti pa tumahimik kana" Sabi ko at tuluyan ng umidlip.

Pag gising ko, akala ko kung saang lupalup niya na akong dinala pero pagtingin ko sa labas malapit na pala kami sa parking lot ng mall.

"Ganda ng tulog mo no?" Tanong niya.

"Medyo. Galing mo magmaneho ah. Hindi ako nagising " Sabi ko at akmang tatayo na naman nang pinigilan niya ako.

"WAG KA NANG GAGALAW DIYAN KA LANG! TUTAL MALAPIT NA TAYO!" Sabi niya. Talagang ayaw niyang madumihan tong sasakyan niya ah.

Hanggang sa pinark niya na yung kotse niya. Lumabas siya ng sasakyan. Leche so iiwan niya nalang ako dito?! tapos dederetso siyang maglaka-

"Labas na" Bigla niyang binuksan yung pinto sa backseat.

PINAGBUKSAN NIYA AKO NG PINTO.

Lumakas yung tibok ng puso ko. Kahit simpleng gesture niya lang hindi ko alam bakit nagkaka ganito na ako.

Lumabas na ako ng kotse niya. Yung mga butterflies sa tiyan ko nag babattle na.

Naglakad na ako habang nakasunod naman siya sa likuran. Pagdating namin dun sa coffee shop na sinabi ni Monica, sila agad ang bumungad samin.

WOW KOMPLETO ANG BARKADA! Anong meron?

"GUYS! FINALLY!" Bati ni Monica pagpasok namin. Konti lang yung costumers dito kaya pwede mag ingay.

"Oh anong okasyon? Bat tayo andito?" Tanong ko. Nakita ko namang umupo na si Ken sa tabi ni Sean.

"May good news kaming sasabihin sa inyo!" Sabi ni Ella. Umupo narin ako sa tabi niya.

" Mag bi-birthday kasi si Chad next week tapos sabi niya na may dalawang options daw tayong pag pipilian, either a pool party or a beach party." Pag e-explain ni Monica.

"Teka, bat tayo ang pipili? Hindi ba pwedeng siya?" Tanong ni Ken.

"Hindi kasi ako maka pili. Ang hirap." Sagot naman ni Chad.

Ok para kaming nasa isang meeting na pang matanda. Napaka seryoso yung mga faces nila.

"Ok so, pool party?" Tanong ni Monica.

"Wag. Parang pang kids party eh. Beach nalang kasi ang daming chicks dun!" Suggest ni Baron.

"Oo nga tapos ang dami pang pwedeng gawin pag sa beach!" Dagdag naman ni Dominic.

"Tapos alalahanin niyo guys, lahat ng estudyante sa year natin ay invited. Kaya i suggest na mag beach tayo" Sabi ni Ella.

Ok so nag usap-usap muna sila kung sa beach ba talaga tapos ano daw ang mga pwedeng gawin na fun sa beach at iba pang mga gimik na alam nila.

Matapos ang isang oras na pag-uusap, kwentuhan, tawanan, napag desisyunan naming umuwi na. Habang naglalakad kami bigla nalang nagsalita tong si Sean.

"Guys may sasabihin ako" Napalingon naman kami sa deriksyon niya.

"Sean wag ngayon," Bulong ni Ella sa kanya.

Teka, siguro sasabihin na nila na may relasyon sila?

"May girlfriend na ako" Pagpapatuloy ni Sean. Kahit alam ko na pero nagulat parin ako.

"Sino?" Tanong ni Monica.

"Talaga? " Tanong ni Seth.

"Weh?" Tanong ni Hans.

My Pervert Housemate [ IN REVISION] Where stories live. Discover now