Umaga pa lamang pero daig pa niya ang dalawampung beses na nagpabalik-balik sa pag-akyat-baba sa hagdanan. She suddenly felt weak and tired because of that news.

"Uy, Ali. Nandito ka na pala?" Nag-angat siya ng tingin ng marinig ang boses ng katrabaho rin niya na si Jiro. "Pinapasabi ni Sir Stanfield na kapag dumating ka raw, pumunta ka kaagad sa opisina niya."

Sinong Sir Stanfield kaya? The old one or the young one?

"Bakit raw?"

The guy shrug his shoulders. He also lean forward at her cubicle. "Hindi ko lang sigurado. Gusto mo ba itanong ko muna?"

Automatic na sumama ang tingin niya sa lalaki lalo na ng ngumisi ito sa naging reaksyon niya.

"Ha.ha.ha. nakakatawa, Jiro."

Kapag ganitong namomroblema na siya sa laki ng posibilidad na mawalan siya ng trabaho, wala siya sa mood na makipagbiruan.

He extend his right arm and his hand landed on her cheek as he pinched it lightly.

"Ikaw naman, pinapatawa lang kita. Ang seryoso mo masyado. Chill lang, Ali."

She shrug off the man's hand as she stood up and walk straight to their boss' office which is just 10 steps away from her cubicle.

May ilang minuto na rin yata siyang nakatayo lamang at nakatitig sa pinto ng opisina ng kanyang boss. She's having a second thought if she's going to come in straight or knock first. Hindi niya kasi alam kung sino na ang nasa loob ng kwartong iyon. Kung ang dati ba nilang boss o iyong bago na.

"Ali, hindi 'yan bubukas ng mag-isa. Try mo kayang kumatok tapos i-pull down ang lever handle?"

Naglagay siya ng note sa kanyang utak na babatukan niya ng sampu mamaya si Jiro sa lakas nitong mang-asar sa kanya.

Huminga siya ng malalim bago tuluyang kumatok at itulak ang pinto pabukas.

Agad na dumampi sa kanyang balat ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon ng opisinang kinaroroonan niya at ang mabango nitong amoy.

The room is a spacious and classy one, na hindi mo aakalaing opisina ito. Mas mukhang eleganteng living room ito sa isang napakagarang mansyon.

Although the color was a combination of white and maroon, which blended together perfectly, the room was almost half-empty. Hindi dahil sa inalis na ang gamit doon kundi talagang ganoon na ang set-up niyon mula pa ng magsimula siyang magtrabaho dito.

A big working table of the CEO, two chairs in front of it, a maroon-striped couch set on the left wing of the room, an electronic entertainment set at the right and a mini-pantry at the outmost left side. Mayroon pa roong isang pinto na hindi niya alam kung para saan dahil ni minsan ay hindi pa niya napapasok iyon sa tagal niyang pagtatrabaho bilang sekretarya sa matandang Stanfield. At mukhang wala na siyang pagkakataon na malaman pa iyon dahil may hinala na siya kung bakit ipinatawag siya kaagad ng kanyang boss.

Mukhang maki-kick out na siya at anumang oras ay mapapabilang na siya sa libu-libong jobless sa bansa.

"Sir?" She decided to call out the man when she noticed that no one is inside the office.

Akala ba niya ay ipinatatawag siya? Nasaan na ito kung gayon? O baka naman hindi talaga? Pinagtripan lang siya ng walang magawa sa buhay na Jiro na iyon? Humanda talaga siya mamaya!

Lalabas na sana siya ng bigla namang magbukas iyong pinto na tinutukoy niya at iluwa niyon ang matandang ngayon ay kababakasan ng napakalawak na ngiti sa mukha na para bang ang saya-saya nito sa kung anumang nagaganap.

BOSS Series 1: My boss, His daddyWhere stories live. Discover now