Level 23

1.9K 57 16
                                    

***

(Ashley)

Nagmadali akong bumangon at dumiresto ng banyo para maghilamos. Bad timing ang pagdalaw ni Thea, at wrong timing syang magtext. She said she's on her way here, at kagigising ko pa lang!

Alas nuebe na ng umaga, at tinanghali na ako ng gising dahil halos madaling araw na akong nakatulog. Nagkaroon ng problema sa opisina sa Canada kaya kinailangan kong ayusin, hanggang sa inabot na ako ng umaga.

"Naman." Inayos ko ang mga nagkalat na gamit sa lapag at sinuklay na lang ng daliri ang buhok ko. Hindi ko rin alam kung bakit ba concern pa ako sa madadatnan ni Thea. Tsk.

Tumawag na rin ako sa crew ng hotel para umorder ng breakfast.

At exactly 9:30, tumunog ang pintuan ko.

Mabilis akong pumunta roon para pagbuksan si Thea. At akala ko si Thea lang, but I was wrong. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay agad ng pumulupot sa leeg ko ang mga kamay nya.

"Mommy!" Mahigpit ang yakap nya sa akin habang humahagikhik sa leeg ko. Natutulala ako pero agad ko naman syang sinalo dahil mahuhulog sya sa biglang pagkawala nya kay Thea. I looked at her, and she gave me an apologizing look.

"Mag uusap tayo mamaya." Inirapan ko sya at bumalik sa loob na karga si Myte. Buong akala ko ay si Thea lang ang dadating, ni wala sa hinagap ko na isasama nya ang batang ito.

"Mommy, hungry." Pagkalapag ko pa lang sa kanya sa couch ay agad syang tumingala sa akin para sabihin iyon. Nakahawak pa sya sa tiyan nya at nagpapacute sa akin. He's wearing a yellow shirt at pintungan ng jumper. Mukha syang isang minion sa paningin ko.

I glared at Thea para iwasan ang tingin ni Myte. No, hindi dapat ako masyadong maattach sa kanya. He'# still Rio's son. Anak sya ni Ashlene, kaya pakiramdam ko wala akong karapatan kahit ang tingnan man lang sya.

"Bakit hindi mo muna pinakain bago mo dinala rito?" Pinagtaasan ko sya ng kilay. Seriously, ilang oras silang bumyahe from Batangas tapos hindi man lang nya pinakain ang bata? What about his useless father? Bakit hinayaan nyang sumama kay Thea si Myte? Alam ba nya na sa akin sila pupunta?

"Kumain sya bago umalis, but I forgot to bring his feeding bottle." Napakamot pa sya sa ulo nya bago mag iwas ng tingin. Napabuntong hininga na lang ako. Of all the things, bakit yung feeding bottle pa ang kinalimutan?

Muli kong nilingon si Myte na ngayon ay nakaupo na habang nilalaro ang dala nyang laruan, it's a miniature toy of Ironman.

"Stay here." Bilin ko kay Thea at hinagilap ang jacket ko na nakasampay sa isang poste ng kama. I'm not wearing my undergarments at kailangan kong bumaba para sa pagkain ng bata. Hindi ko naman hahayaang gutumin sya kahit pa kumukulo ang dugo ko kay Althea.

Pagbaba ko, ako na rin mismo ang kumuha ng order ko kanina. I do not know why they took so long para itaas iyon. Nagpadagdag na lang ako ng cereals, milk at hotdogs para kay Myte.

Pagtaas ko, naabutan kong busy si Althea sa pagtitipa sa cellphone nya habang naglalaro pa rin si Myte. Nang mailapag ko ang dala kong tray sa lamesa ay saka lamang itinago ni Thea ang cellphone nya.

"Myte, come here, let's eat na." Binuhat ni Thea si Myte at kinandong sa pag upo nya. Ako naman ay nagsimula ng sumimsim sa kape ko dahil ramdam ko na ang hapdi at kalam ng sikmura ko.

The Playful AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon