Level 19

1K 35 1
                                    

***

(Ashley)

"Don't let anyone know that I'm here." Paglilinaw ko bago inabot mula sa kanya ang card ng kwarto ko.

"How ab--

I cut him off at tinitigan syang mabuti.

"Kahit sino. Kahit si Shiela." Pabagsak kong isinara ang pinto at pinagmasdan ang kabuuan ng silid. Finally, Philippines. Mapait na lang akong napangiti. I don't hate this country, but few of it's people? I do.

Yet, I don't want them to know that I'm back. Ipinakiusap ko na rin ito kay Jacob. Kailangan kong kumilos mag isa, kaya hindi dapat nila malaman na nandito ako. Specially Seven. I will be the one to deal with her stepsister. Pagkatapos kong linisin ang kalat na ipinunta ko rito, babalik ako sa Canada without any traces. That's my plan. I just hope that someone, or any circumstances would not be able to ruin it.

Inisa isa kong ayusin ang gamit ko, and my heart skipped a beat nang mahawakan ko ang banga kung saan nakalagay ang abo ni Ashton.

Baby Ashton Maniago

Ramdam ko ang biglaang pagkabasa ng pisngi ko. Nanginginig ko iyong ikinulong sa mga bisig ko at inalala ang una't huling araw na nakasama ko sya. I bring this jar kahit saanman ako magpunta. Sa ganitong paraan, pakiramdam ko kasama ko palagi ang anak ko. I want to show him the world. Gusto kong iparanas ang mga bagay na hindi nya naranasan at mga tanawing ipinagkait sa kanyang makita. Hanggang ngayon puno pa rin ako ng pagsisisi.

Kasalanan ko ang lahat. Kahit pilitin ko mang itanggi, kasalanan ko. One week after Ashton's cremation, ibinigay sa akin ng doktor ang medical history nya. And there, nakalagay doon ang mga factors na naging sanhi ng pagkamatay ng anak ko. Dahil halos isang buwan ko na ng malaman na buntis ako, I failed to monitor my health, puros instant food ako noon. Idagdag pa ang madalas kong pag inom ng antibiotics at sleeping pills-- dahil ng mga panahong iyon hirapa akong humagilap ng tulog, just because I fear Ashlene on my dreams. And my environment. Ang mahabong amoy sa ospital, lahat ng mga yun ang naging sanhi ng pagkawala ng anak ko. And the other thing is, I skipped my regular appointment to my OB just because, sinave ko ang pera para sa future nya, but I was wrong. I have the money, but I lost my precious Ashton.

"I'm sorry baby. Mommy is so sorry..." Tuwing nayayakap ko ng ganito ang lalagyan ng abo nya, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kaya ko na sanang ibigay ang buhay na dapat sa kanya, pero gustuhin ko man, wala na sya. Wala na ang Ashton ko.

Hindi ko na alam kung ilang oras akong nasa ganoong posisyon. Holding that jar, uttering words, at nakatulala sa kawalan. All I know is that, I won't let Leila hurt my sister. She's all I have now. Seven, kahit anong mangyari poprotektahan kita. Use me, I don't care. You can even have this useless life of mine.

Tatlong araw na ako rito sa Pilipinas pero wala pa ring matinong impormasyong maibigay sa akin ang imbestigador na binayaran ko. Naiinip na ako. Wala na akong ginawa kundi ang magkulong dito sa hotel, dahil natatakot akong lumabas. That's the truth. Lalabas lang ako kapag may concrete information na akong nakuha. Ayokong ipahamak ang kapatid ko dahil lang nagpadalos dalos ako ng kilos. I want to plan this carefully. Mula sa pakikipag usap hanggang sa pagpatay mismo kay Leila.

"I'm sorry Ms. Maniago, pero hindi ko pa rin po kilala kung sino ang inutusan ny--

"Bullsht!" Naihampas ko ang kamay ko sa lamesa at nangigigil na nilamukos ang mga tagong larawan ni Leila. Ilang araw ko na syang pinasusundan pero wala pa rin akong makuhang matinong sagot. Sinong inutusan nya? Kanino sya lumapit?

The Playful AssassinOnde as histórias ganham vida. Descobre agora