Level 16

1.2K 35 2
                                    

***

(Ashley)

It is so painful to say that you're fine, when in reality, you're not. It was painful. I've witnessed how death slowly consume Ashlene's body. I saw it, at wala akong nagawa kundi ang humagulhol ng iyak. It was my fault, my entire fault. I've ruined her life. I deserve to be in her position. Hindi dapat sya ang nandoon.

And for the second time, I chose to ran away. Pinili kong umalis bago pa ako abutan dun ng pamilya ni Ashlene. Natakot ako. Natakot akong sa akin lahat ibaling ang sisi. Natakot akong pati ang buhay ng mga Maniago, ay tuluyan kong masira.

I don't deserve any of their sympathy. I don't deserve their care, or even Asia's warm hug. I don't deserve any. That's why I packed my bag right away and left. Hindi ko kayang makitang iniiyakan nila si Ashlene, dahil lalong mas ipamumukha sa akin na kasalanan ko kung bakit sya nasa kabaong na yun.

Hindi ako nagpaalam sa kahit sino. Not with Jacob, Gray, or even Stan. Iniwan ko ang lahat. At alam kong sa pagkakataong ito, tama lang ang ginawa ko. Dahil wala namang mabuting maidudulot ang pananatili ko sa mansyon. I was a mess, and up until now, I am.

Muli kong tinanaw ang nagsisiiyakang mga tao di kalayuan sa kinatatayuan ko. Governor Naceno is holding a jar, with his daughter's ashes in it. Napatakip ako sa bibig ko to suppress my sobs. No. Dapat hindi nila ako makita. At kasabay ng pagsaboy nya ng abo ni Ashlene sa hangin, ay syang pagtalikod ko at pangangakong hindi na babalik pa, para hindi na kailanman magdulot ng anumang gulo o problema. My life with them, ends here.

"Manong, tara na po." Pinahid ko ang mga luha ko at bahagyang nginitian ang driver na kanina pang naghihintay sa akin.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang walang tigil na nag ring ang cellphone ko. Once, twice, patuloy iyon, and I blankly stared at his caller ID. No Gray, I ain't coming back, I'm sorry. Pinatay ko ang cellphone at isinilid ito sa dala kong bag. I sighed. Desidido na akong magbagong buhay. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. It's time for me to say goodbye to those feelings which caused me too much pain. It's time Rio, it's time to end your game. I won't play anymore. I can't.

"Nandito na po tayo." Napabaling ako ng tingin sa labas, at tama sya. Nandito na nga kami. Airport. I closed my eyes tightly bago iabot ang bayad sa driver. Tinulungan nya naman akong ilabas ang nag iisang maletang dala ko bago magpaalam.

I stood there, cold feet. Muli akong lumingon at inisip na naroon sya sa likod ko. I smiled. Ito na ang huli, sa palagay ko, hindi na ako babalik pa.

Hingal akong napabalikwas nang makita ko na naman ang galit na mukha nya sa panaginip ko. Napilitan akong bumangon at tiningnan ang orasan sa bedside table. 4:15am. Wala pa halos apat na oras nang matulog ako. And here I go, binabagabag na naman nya ako sa panaginip ko. Sa loob ng apat na linggo, isang buwan, laging ganun. Noong nakaraang araw ang malala. She told me that I've made the wrong decision. That I should've faced it instead of running away.

I shook my head at muling nahiga para humanap ng antok. But I failed. Ilang beses na akong nagpaikot ikot sa kama pero hindi ko na ulit magawang makatulog.

I stare at the ceiling instead. What am I now? Ah yeah, I'm worst than a living dead. Natuto akong mamuhay mag isa. Gumising, bumangon, magtrabaho. Ganoon palagi. Ngumingiti kapag kailangan, but deep inside I know, pain is still here. Living inside me. Nakakatakot, pero pinipilit kong kayanin.

The clock strikes 6:00 am pero hindi na talaga ako nakatulog. Masyado na naman akong nakain ng malalim kong pag iisip. Every time, memories of yesterday consumes me. Kapag kumakain, naliligo, naglalakad, nagtatrabaho, walang pinipili. Kapag nakakita ng pagkakataon, dinadalaw ako ng mapapait na mga alaalang yun. Nakakasakal, nakakasawa, pero wala akong magawa.

The Playful AssassinWhere stories live. Discover now